02: The Sleeping Beauty

13.2K 464 53
                                    

Chapter 2: The Sleeping Beauty


"Happy 17th birthday Faith" nagising nalang akong nasa paligid ko na ang pagmumukha nina Tita, Tito, Lolo at ng mga pinsan ko. Lahat sila ay nasa gilid ng kama ko na para bang hinintay talaga nilang magising ako sa himbing ng pagkakatulog.

Ugh, today's my 17th birthday. Ba't ang aga naman nila?

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at kinusot ang mga mata kong puno pa ng muta. Madilim pa naman ah? Masyado naman ata silang maaga para sa birthday celebration ko?

"Bumangon kana d'yan at ipaghahanda kana namin." Napatingin ako kay Tito na nakatingin sa akin.

Nakikita ko lang naman s'ya tuwing may okasyon. Uhm, actually I can only see their faces every birthday celebrations, anniversary, new year and some other occasions.

"Happy birthday bitch!" Bati sakin ni Kate na ngayon naman ay kulay pula ang dulo ng buhok. Masyado na tal'ga s'yang naapektohan ng sibilisasyon.

Lagi nalang akong inaaway ng babaeng 'to dahil naiinggit daw s'ya sa ganda ko. Kahit anong gawin n'ya daw' ng pambubugbog sa'kin kapag sumasapit ang kaarawan ko ay hindi n'ya parin kayang pantayan ang ganda ko.

Naiingit s'ya dahil kahit ilang sugat pa ang gawin n'ya sa balat ko ay hindi ako nagkaroon ng peklat pero s'ya, kahit kaunting sugat lang ay nagpepeklat na agad.

Napakamot naman ako sa ulo ko bago bumaba sa kama. Ugh, I hate it whenever they're here. If feels like their presence is bugging my peaceful life.

"Wear this." Sabi ni Tita at agad namang inabot sa'kin ang isang kulay puting damit na puno ng diyamanteng kumikinang.

Nagtagpo ang kilay ko nang kunin ko to mula sa kan'ya. Ba't ganito ang damit ko ngayon? Masyado atang pinaghandaan?

"That will be your birthday gift from me, Faith." Sabi n'ya at dinala ako sa harapan ng salamin para idikit ang damit sa harapan ko.

Kitang kita ko sa repleksyon ng napakagandang damit na nasa harapan ko, bagay na bagay ito sa'kin. Kulay puti at kumikinang ang mga diyamateng nakadikit dito, para s'yang damit pangkasal.

"Ano pang hinihintay mo? Magbihis kana." Sabi naman ni Kate at agad akong tinulak papuntang banyo nitong kwarto ko. Eerr, whats with them today?

Alam kong birthday ko and yeah, normal lang na may regalo sila sa'kin. But the way they act is not normal! Kailanman ay hindi nila ako ginising sa pagkakatulog ko para lang batiin ng maligayang kaarawan, kailanman ay hindi nila ako hinayaang magsuot ng kanito kagarang damit na parang damit pangkasal. This dress is too much!

Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin dito sa banyo, bakit nawala yung mga pasa ko sa mukha na ginawa ko kagabi sa sarili ko bago matulog? Pati yung mga paso sa balat ko ay nawala?

Alam kong nawawala agad ang pasa ko pero tatlong araw pa yun bago maghilom.

Nilinis ko ang sarili ko bago sinuot ang napakagarang damit na'to.

It's off-shoulder kaya't kitang kita ang collar bone ko. "Ang ganda mo parin naman Faith" mahinang puri ko sa sarili ko.

If only I met a lot of people, maybe they'll say the same words for me. I'm beautiful.

"What takes you so long?" Nakapameywang na tanong sa'kin ni Kate sa labas ng banyo ko. Ugh, I really hate this bitch in front of me.

S'ya nalang ngayon ang natira sa kwarto ko, siguro nasa baba na sina lolo at hinihintay ako.

"The hell you care?" Sarkastigong tugon ko naman at inirapan s'ya.

"Pasalamat ka't birthday mo ngayon." Sabi n'ya na nagpakunot ng noo ko.

Myth 1- Hades: King Of Underworld (Completed) Where stories live. Discover now