20: Achelous River

6.4K 228 18
                                    

Chapter 20: Achelous River







Hermes' Point of View

"Ito na ba tal'ga 'yon?" Nagtatakang tanong ni Ares habang nakatingin sa cellphone n'ya.

"Dito 'yong sabi ng Google map diba?" Tanong ko habang nakatingin sa ilog na nasa harap namin.

Rinig na rinig ang ingay ng mga dumadaang sasakyan at ang nakakasukang usok dito sa tulay na kinatatayuan namin. Shit hindi nababagay sa kagwapuhan ko ang ganitong klase ng paligid.

"This is a fucking mess" wika ni Hades habang hindi maalis ang tingin sa ilog sa baba. Tangna, hindi ako makapaniwalang ito ang Achelous river. Kulay dilaw na ang tubig nito at puno ng basura sa gilid.

Naglakad kaming tatlo papunta sa ilalim ng tulay. "Tangina!" Hiyaw ko nang sumalubong sa'min ang napakasangsang na amoy.

"Pwe! Pwe!" Reklamo naman ni Ares habang tahimik naman ang hari ng kadiliman.

Tangna! Ba't ko ba ginagawa ang katarantaduhang 'to? Tinutulungan ko si Hades dahil sa matinding pag-ibig nito sa asawa pero parang hindi naman ata makatarungan ang ginagawa nito sa kagwapohan ko.

"Sisirin mo na Hermes" utos ni Ares habang nandidiring nakatingin sa ilog.

"Ngina mo!" Reklamo ko naman, tangna baka mamaya may tae pa d'yan e.

"Ikaw Hades, ba't di nalang ikaw. Total-" hindi pa natatapos sa pagsasalita ang kapatid nito sa amang si Ares nang bigla n'ya itong putulin ng isang malutong na "Fuck you!"

"Sabi ko nga si Hermes nalang."

"Ba't 'di nalang ikaw? Total si Eris rin naman 'yong may sabing dito tayo." Paghahamon ko naman kay Ares.

Tangna magtutulakan lang naman ata kaming tatlo dito e. Nakatingin lang kami sa ilog habang tinitiis ang masasang na amoy sa lugar, ni isa sa amin ay walang planong sisirin ang marumi at kulay dilaw na tubig.

Maya't-maya pa ay nakaramdam na kami ng isang kahinahi-"Fvck!" Sabaysabay naming saad nang may isang lakas ang tumulak sa'min papuntang tubig.

Pinilit naming umalon pero parang hinihila kami pababa. Ginamit namin ang mga kapangyarihan at buong lakas para makaahon pero palalim na kami ng palalim. Shit, hindi na ba ako kailaman makakapagfacebook at makakainom ng wine dahil dito.

"Maligayang pagdating" agad na nanlaki ang mata ko nang maramdamang nasa isang lugar kami na puno ng iba't-ibang puno ng mga prutas. Ang kailaliman ng Achelous River.

"Achelous?" Tawag ni Hades sa tagapagbantay ng lugar na ito. Asan na ba ang lalaking 'yon?

"Achelous!" Tawag ko rin dito pero nag-echo lang yung matipuno kong boses sa paligid.

"Asan naba-" hindi pa natatapos magsalita si Ares nang makarinig kami ng isang malaking boses.

"Kailanma'y hindi ako magpapakita sa inyo..."

"Achelous may kailangan-"

"... nahihiya ako sa sarili ko." Pagputol nitong muli sa sinabi ni Ares.

Tangna! Sinasabi ko na nga ba, kaya hindi nagpapakita si Achelous samin dahil sa nahihiya s'yang maitabi ang mukha n'ya sa napakagwapo kong mukha. Hahaha, sino ba namang hindi mahihiya sa kagandahang lalaking taglay ko?

"Wag ka nang mahiya, humble naman akong diyos e." Pagpapakumbaba ko.

"Nahihiya ako dahil hindi ko napangalagaan ng mabuti ang ilog, sirangsira na ito at ibang-iba na sa mukha nito ilang siglo na ang nakakaraan."

Myth 1- Hades: King Of Underworld (Completed) Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu