22: Immortal Body

6.6K 252 42
                                    

Chapter 22: Immortal Body





"Ito ang Ambrosia kainin mo" ani Artemis na s'yang gumamot sa sugat ko. Nasa higaan parin ako at nakatingin silang lahat sa'kin.

'Di ko akalaing ganito pala kabango at kasarap ang Ambrosia. Ito na yata ang pinakamasarap na pagkain ang lumapat sa dila ko sa buong buhay ko.

"Kamustang pakiramdam mo?" Tanong sa'kin ni Hades na hawak parin ang kamay ko.

"I'm fine. Nabigla lang ako nung niyakap mo'ko" pag-amin ko.

"I'm sorry" paghingi n'ya ng paumanhin, ningitian ko lamang ito.

"Sa tingin mo ba bumalik na ang pagiging imortal mo?" Tanong ni Artemis na gumamot sa'kin.

S'ya ang dyosa ng buwan, digmaan at gamutan. Kaibigan s'ya nina Ares kaya s'ya na ang tumulong sa kanila.

Napatingin ako sa sarili ko na suot ang isang itim na damit.

"Ayos lang ako pero parang iba na ang pakiramdam ko kesa noon, parang massumigla 'yong katawan ko."

"Ito Faith, palitawin mo" sabi ni Hermes at nilapag ang isang libro sa harapan ko.

Tinignan ko itong maigi at sinubukang kontrolin gamit ang paningin ko. Inisip kong kaya ko itong palitawin. Maya't-maya pa ay gumuhit sa mga labi namin ang mga ngiti nang napalitaw ko ang libro. Nakakagaan ng loob sa wakas.

"You're totally back" nakangising wika ni Hades, akmang yayakapin na ako nito nang bigla ko s'ya pinigilan gamit lang ang mga mata ko.

"Woah! Masmakapangyarihan tal'ga ang reyna kesa sa hari" natatawang saad ni Hermes.

"Salamat sa'yo Artemis." Nakangiting sabi ko kay Artemis bago ako bumaba ng kama.

"Walang ano man 'yon" she replied.

Agad akong lumabas ng kwarto para makita sina Angel at Sheol at hindi naman ako bigo nang makalabas ako. Nakaupo lang sila sa sofa habang naglalaro si Angel.

"Ate Faith! Andito po pala si Hello Kitty" nakangiting wika ni Angel.

"Who are they?" Rinig kong tanong ni Hades mula sa likod.

"Anak natin" nakangiti kong sagot at lumapit sa mga bata.

Nakita ko naman ang ngising gumuhit sa labi ni Hades nang lumapit s'ya sa amin "I didn't know them" sabi nito at kinarga si Angel.

"Sino po kayo?" Tanong sa kan'ya ng bata.

"I'm the king of the hell"

"Hala! Ibig po bang sabihin bad kayo?"

Natawa silang lahat sa sinabi ni Angel habang karga karga ito ngayon ni Hades. Bakas parin ang pagiging enosente nito dahil sa kamusmusan.

"Hahaha, masama raw e" tawa ni Ares.

"Fvc-"

"Shut up! Maririnig ka ng mga bata" saway ko kay Hades nang muntik na itong pumakawala ng isang mura.

"Tangna, wala ka pa-"

"Isa ka pa Hermes e!" Saway ko rin sa baliw na si Hermes. Tss, he's not thinking.

"Mga bata, sila sina Hermes, Ares at Artemis. Kaibigan namin sila." pagpapakilala ko sa kanila.

"Sino po s'ya?" Tanong ni Sheol habang nakatingin kay Hades.

"S'ya si Hades, s'ya ang ama n'yo-"

"Hades? Ang hari po ng impyerno, ang tagapamahala sa mga patay, diba demonyo po s'ya?" Diretsong tanong ni Sheol. Ba't ang daming alam ng batang 'to?

Myth 1- Hades: King Of Underworld (Completed) Where stories live. Discover now