31: Forsaken Love

5.2K 185 15
                                    

Chapter 31: Forsaken Love




Akala ko noon ayos lang ang lahat. Sobrang kampante ako na ako lang ang tanging babae sa buhay n'ya.

Hindi parin maalis sa isip ko ang nangyari sa selebrasyon kanina. Hindi ko lubos maisip na ang asawa ko ay bigla-bigla nalang ikakasal sa dati kong kaibigan.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig habang unti-unting pinupunit ang aking puso at hinuhulugan ng mabibigat na bloke ang aking ulo pero sa totoo lang ay higit pa r'on ang nararamdaman kong sakit ngayon.

Walang sino man ang makakaputol ng Pana ng Pag-ibig ni kupido sapagkat masyado itong makapangyarihan.

Hindi ko mapigil ang pagbuhos ng aking luha at basangbasa na ang pisngi ko.

Nakahiga lang ako sa aking kama at wala na akong plano pang makiisa sa mahaba nilang selebrasyon sa kasal. Hindi ko kaya at hindi maalis sa isip ko ang halik na'yon.

Ako lang dapat ang babaeng hahalikan n'ya, ako lang dapat ang babaeng yayakapin n'ya pero nag-iba na ang lahat ngayon.

Sabi sa akin ni Psyche iyon daw ang katumbas na parusa ni Hades sa pagkuha ng Emblem of Equilibrium. Hindi ko alam kung bakit s'ya pumayag.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at pinahiran ang mga luha sa aking pisngi.

"Proserpina" agad akong napalingon sa isang boses ng pamilyar na lalaki sa aking kwarto.

"Lolo?"

Agad ko siyang niyakap nang lumapit s'ya sa akin at sa kan'ya ko binuhos ang lahat ng pait na aking nararamdaman.

"Lolo, akala ko po noon sobrang saya ang umibig ng isang kagaya n'ya pero nagbago ho ang lahat. Tama ho kayo lolo, tama ho kayo noon na hindi ako dapat na lumapit sa kan'ya." Iyak ko.

"Tahan na dahil iyon naman ang dapat na mangyari."

"Lolo! Nagpakasal mo s'ya ng biglaan sa ibang babae! I was very clueless and I looked so dumb!" Iyak ko pang muli.

"Pinilit naming pigilan ang pagkikita n'yong muli ni Hades pero walang makakapigil sa galaw ng tunay na pag-ibig."

"A-ano ho ang ibig n'yong sabihin?"

"Ang pagmamahalan n'yo ay nagdulot ng pagkawala ng balanse ng Olympus, lupa at impyerno kaya pinatay ka noon ng iyong Ina."

"Y-yon po ba talaga ang dahilan kung bakit ako pinatay ni Ina?"

"Isa pa ay ang labis na pagtutol n'ya sa iyong asawa at ang kasabikan n'yang mabawi ka mula sa demonyong 'yon."

"Lolo please enlighten me, please." Pagmamakaawa ko sa kan'ya.

Tinapik n'ya ang likod ko bago nagsalita "You're a good goddess Proserpina but you're doomed to be with that demon." He started.

"I know but being with him was the greatest thing hap-"

"Para sayo oo pero para sa Olympus, impyerno at sa sangkatauhan ay hindi. Proserpina hindi nagiging balanse ang lahat kapag magkasama kayo dahil ang labis na kaligayahan sa impyerno ay isang bagay na imposibleng mangyari ngunit ginawa mo itong posible kaya naman pilit kayong pinaghihiwalay ng hari ng mga patay."

Pinahiran ko muna ang mga luha ko sa pisngi bago tumingin kay lolo "Pano n'yo po alam ang lahat ng iyon? Panaginip na naman ko po ba kayo?" Tanong ko.

Ngumiti si lolo at sinabing "Faith, naging mortal ka matapos kang buhaying muli ni Attis dahil sa hiling ng iyong Ina at isa ako sa mga tumulong upang mangyari 'yon."

Myth 1- Hades: King Of Underworld (Completed) Where stories live. Discover now