25: Olympian Celebration

6K 206 13
                                    

Chapter 25: Olympian Celebration





"Apo"

"Faith, apo"

"Faith"

Agad kong naidilat ang mata ko nang marinig ko ang isang napakapamilyar na boses na tumatawag sa'kin.

Nasa puting silid ako. Sa kwarto ko noon, sa bahay namin sa bundok. Anong ginagawa ko dito?

"Lolo?"

"Lolo!" Agad akong tumakbo sa isang matandang lalaking nakangiting makita ako.

Sinalubong ko s'ya ng isang napakahigpit na yakap, sobrang tagal naming hindi nagkita.

"Miss na miss ko po kayo. Akala ko po hindi na tayo magkikitang muli." Mangiyakngiyak kong saad.

"Pasensya na apo" sambit nito.

"Lolo, hindi ko po nasunod ang bilin n'yo sa akin. Ang mga diyos at diyosa na nakikita ko sa mga estatwa noon ay hindi gaya nila, ibang-iba po sila lolo."

"Alam ko Proserpina, alam kong mangyayari rin ang dapat mangyari." Sagot nito.

"A-ano pong ibig n'yong sabihin?"

"Proserpina, hindi ka nakatulog sa loob ng isandaang taon sapagkat iyon ay likha lamang ng iyong isipan at ng salamangka upang pahirapan ka at ang iyong asawa." Paliwanag nito.

"Si Hades po ba? Ano pong-"

"Kayong dalawa ay nasa ilalim ng isang makapangyarihang salamangka. Ang pagkatulog mo ng matagal ay bahagi na n'on, iyon ay isang mahabang paglalakbay."

"Alam n'yo po ang lahat ng iyon, lolo? Mula sa umpisa?" Naguguluhang tanong ko rito.

"Hypnos"

Agad akong napasinghap sa sinabi n'ya. Hypnos? Iyan ang nakasulat sa papel na nakuha ko noon kay Morpheus, ang diyos ng mga panaginip.

"Ano pong meron sa-"

"Nagkamali ka ng nilapitan Proserpina, hindi ang diyos ng mga panaginip ang may gawa ng pagkakatulog mo ngunit si Hypnos, ang diyos ng pagkakatulog."

"Nasan po ba ang diyos ng pagkakatulog?"

"Malalaman mo rin ang lahat Proserpina kapag mangyari na ang dapat na mangyari at ito'y nagsisimula pa lamang."

"Ano po ba talagang pinagsasabi n'yo?!" Di ko mapigil ang sarili ko sa labis na kyoryosidad.

"Pag-ibig laban sa mga diyos ng Olympus."

Yan ang huli kong marinig mula kay lolo nang bigla nalang may isang nakakasilaw na liwanag ang umilaw at muli kong naidilat ang mga mata ko.

"Panaginip? Panaginip lang si lolo?" Tanong ko sa sarili.

Muli ay nilibot ko ang paningin ko sa silid kung saan ako nagising. Puno ito ng magaganda at makukulay na mga bulaklak at mga mamahaling bagay pambabae at mga muwebles na halatang gawa sa pilak at mga diyamante.

Agad akong napalingon sa isang bintana rito para tignan ang nasa labas.

"Olympus" bulalas ko nang makadungaw ako sa bintana.

Tumingin ako sa baba at sumalubong sa paningin ko ang mga diyos, diyosa ang mga mariposa o mga tagapaglingkod na may makukulay na mga pakpak, ang mga nagkakatuwaang mga taong nananahan dito. Syempre hindi mawawala ang magagarang palamuti sa lugar na nagbibigay ganda rito gaya ng makukulay na mga bulaklak.

Tama nandito nga ako ngayon sa Olympus. This place will always be festive and full of merriments, everyone would dream to live with this place and it's completely the opposite of hell.

Myth 1- Hades: King Of Underworld (Completed) Where stories live. Discover now