24: Dance With The Devil

6.2K 223 24
                                    

Chapter 24: Dance With The Devil







"Sana po ganito nalang tayo lagi" di maalis mukha ni Angel ang saya habang hinahabol ang mga kulay pilak at itim na paruparo sa paligid.

"Masaya po akong bumalik muli sa ganitong sitwasyon ang impyerno mahal na reyna." Nakangiting wika ni Sterope.

"Matagal-tagal narin mula non."

Tumingin ako sa paligid ng impyerno, maraming mga patay at mga kaluluwa pero ang pagdudusa nila ay hindi na gaya ng dati.

Humupa na ang iyakan at mga paghihirap "Kaya pala" rinig kong bulong si Sheol sa tabi ko na namimitas ng mga itim at pilak na bulaklak sa gilid.

"Bakit Sheol?" Tanong ko.

"Hindi po pala talaga nakakatakot ang mga patay na nasa impyerno, malungkot lang po sila..." seryosong saad nito at tinignan ang mga kaluluwang hindi makaalis sa seldang nandito sa impyerno.

"... salamat po sa inyo Ina. Kung wala kayo bilang reyna dito patuloy na magdurusa ang mga taong wala nang pag-asang maituwid pa ang kanilang mga kasalanan."

Binigyan ko lang s'ya ng isang matamis na ngiti bilang tugon sa sinabi n'ya. This child is so sweet, I know he'll be a good man someday.

"Kuya Sheol ang ganda po n'yan." Turo ni Angel sa bulaklak na hawak ni Sheol. Ginawa n'ya itong isang magandang korona.

"Para sa'yo 'to Angel" aniya at isinuot sa ulo ni Angel ang korona na bumagay sa mahaba nitong buhok.

"Wow! Ang ganda, salamat po kuya!" Isang napakatamis na ngiti ang pumakawala sa mga labi ni Angel na lalong nagpalabas sa taglay n'yang ganda.

"You're all having fun here" Sabi ni Hades nang bigla nalang s'yang sumulpot sa kung saan.

"Obviously?"

"Yeah"

"Ama! Tignan n'yo po, ginawan ako ni Kuya Sheol ng isang magandang korona!" Sabi ni Angel at tinuro ang korona sa ibabaw ng ulo n'ya.

"Do you want me to make it more beautiful my child?" asked Hades.

Tumango naman agad si Angel bilang tugon. Gamit ang kapangyarian ni Hades nilagyan n'ya ng mumunting mga pilak at diyamante ang mga bulaklak para lalo itong gumanda.

"Better" I smiled.

"How's your day my queen?" Asked Hades.

"Pft you're joking right?"

"Why would I? I'm an evil I don't give jokes"

"Hell is sunless, moonless and it doesn't have day and night and now you're asking me if how's my day. Pft, hilarious!" I laughed.

"Oo nga naman! Ba't mo ba tinatanong 'yan Hades ha?" Laking gulat namin nang bigla nalang ding sumulpot sa kung saan ang gagong si Ares.

"What are you doing here asshole?" Walang emosyon na tanong ng demonyo rito.

"Para magsaya!"

"Wala kaming panahon sa kagaguhan mo Ares" sabi ko.

"Oh! Yo tsong! Kamusta?!" Bati naman ng gago kay Sheol.

"Ayos lang po, ikinagagalak ko pong makita ulit kayo dito" magalang na sagot ni Sheol at yumuko pa para kay Ares.

"Tsk! Buti pa 'yong bata oh"

"Ano ba talgang ginagawa mo dito ha?" Tanong kong muli rito.

"Tsk! Paulit-ulit kayo e! Para nga magsaya diba? Kaya may dala akong isang bagay para simulan ang kasiyahan!" Anito at naglabas ng isang kahon na may bilog sa gitna.

Myth 1- Hades: King Of Underworld (Completed) Where stories live. Discover now