38: A Messengers' Penalty

5.4K 220 34
                                    

Hermes' Point of View

Simula n'ong nalaman ni Boss Hades ang lahat ay pinagbawalan na n'ya kami ni Ares na lumapit o magpakita man lang sa kan'yang asawa.

"Fuck you Hermes!" Nanggagalaiiting wika nito habang nakatingin sa'kin na para bang pinag-iisipan na n'yang patayin ako. Nandito kaming tatlo ngayon sa kastilyo ni Hades sa empyerno at parang pinapatay na ako ng demonyo sa sama ng tingin at malulutong na mura nito sa akin.

Tangina! Nagawa ko lang 'yon dahil trip ko lang.

Tangina, hindi ako kinabahan ng ganito sa tanang buhay ko. Hindi ako pinagpawisan ng ganito dahil sa kaba. Hindi ako nanlamig ng ganito kahit kailan dahil may paninindigan ako bilang isang diyos at bilang isang napakagwapong lalaki.

Pero sa gan'yang klaseng tingin ni Hades. Putek! Walang dudang isa nga s'yang demonyo.


"Ts-tsong," kinakabahan kong wika.

"Fuck you, asshole!" Puta. 'Yon lang. Hindi ako bakla pero naiihi ako.


"Ikaw lang ang nagparamdam sa'kin ng ganito. Shit!" Tanging bagay na lumabas sa masasarap kong mga labi.

"Hahahahaha," di matigil na tawa ng walang hiyang si Ares na ngayon ay may hawak hawak na alak.

"Tss"

"Ba't mo kasi nagawa 'yon gago?" Natatawang tanong nito sa'kin.

Aist! Hindi ko nga rin alam!

"Why the fuck did you do that?!" Galit na tanong ni Hades at umupo sa kan'yang trono rito sa empyerno na maslalong nagpalakas ng nakakatakot at makapangyarihan nitong awra. Kahit gan'yan masgwapo parin ako sa kan'ya.



"Kasi—" putek, ba't wala akong maisip na dahilan?!

"Tsong, sigurado ka bang hindi kami maaaring lumapit o magpakita man'lang sa asawa mo?" Tanong ng gagong si Ares.

"Don't even dare to let her see a shadow of you or else you'll regret the idea of your existence," sagot nito dahilan upang mapalunok ako ng laway.


"Hinahanap n'ya kami ni Hermes araw-araw upang kamustahin ka. Tsong, tangna anim na buwan s'yang pabalikbalik sa kastilyo ko pero wala s'yang naaabutan kahit anino ko o ni Hermes," paliwanag ni Ares.


Winalang bisa ng Olympus ang paghati sa panahon ni Proserpine kay Hades at Demeter. Hindi na pinabalik pa si Proserpine sa empyerno at hindi na sila nagkita pa ni Hades. Tsk, kawawa naman tal'ga ang dalawang 'to.

Pilit nilang ipinaglalaban ang bagay na ipinagbawal.

"Just let her be," Hades.

Tsk! May pa 'Let her be' 'Let her be' pang nalalaman ang demonyong 'to. Kala mo naman kaya n'yang lunokin ang katutohanang hindi sila magkasama ng mahal n'ya.


Suminghay lamang ako ng malalim nang maramdaman ko na naman ang matalim na tingin sa akin ng demonyo. "Hermes," banggit nito sa pangalan ng isang gwapong diyos.


"Yes dear?" Sagot ko dahilan upang humagalpak ng tawa si Ares. Syempre kahit na sa ganitong sitwasyon ako kailangan gwapo parin kaya pagtitripan ko muna ang demony—.


"FUCK!" mura ko nang may isang lumilitaw na apoy ang bigla nalang nagpakita sa harapan ko. Tangna mukhang alam ko na ang susunod na mangyayari nito.

"Takbo tsong!" Sigaw ni Ares dahilan upang mapatakbo ako.

Tangina! Ayokong tumakbo o gusto kong tumigil sa pagtakbo pero bigla nalang akong inutusan ng traydor na si Ares na tumakbo.


Myth 1- Hades: King Of Underworld (Completed) Where stories live. Discover now