09: A Demon's Gift

9.4K 343 20
                                    

Chapter 9: A Demon's Gift




Hypnos

Hypnos

Hypnos

Hindi parin mabura sa isip ko ang nakasulat sa maliit na papel na 'yon na hanggang ngayon ay nasa kamay ko pa. At ang mapanindak na tingin ni Hecate sa'kin kanina.

Parang binabagabag ako masyado at hindi sila maalis sa isip ko. Sh!t, I hate this.

Bakit ba nagkaganito ang tahimik kong buhay noon sa bundok kasama si lolo?

"Ayos lang ho ba kayo mahal na reyna?" Tanong sa'kin ni Sterope habang patuloy parin kaming naglalakad ngayon sa empyernong puno ng mga patay, kalansay at nagmamakaawang kaluluwa.

Hindi ko nalang sinagot ang tanong ni Sterope. I don't want to say anything, my mind is full of unanswered questions.

Questions that invades my whole mind.

Ako ba tal'ga ang totoong si Proserpine?

Ano ba ang itsura ng mapayapang impyerno na sinasabi nina Sterope at Ares?

Anong ibig sabihin ng paglalakbay ko ng isandaang taon sa panaginip?

Sinong kukulamin ni Hecate?

Anong ibig sabihin ng Hypnos na nakasulat sa papel?

Sa'n ko ba nakuha ang papel na'to?

Ugh, fvck! Those questions were killing me through curiosity.

Magpakamatay nalang kaya ako? Ayoko!

"My queen" agad akong napabalik sa reyalidad nang marinig ko ang makapangyarihan na boses ni Hades.

Napatingin ako sa kan'ya na nakaupo sa isang malaki at kulay itim na upuang panghari na nasa ibabaw ng hagdanan. I can now see his superiority in this dark word, I can now feel his dark aura, the evil smile drawn on his red lips. Ugh, those smile.

He's wearing a black suit that really fit with his looks and personality.

Makisig na demonyo.

"Maiwan ko po muna kayo" sabi ni Sterope at tumungo bago umalis.

Kaming dal'wa nalang ngayon ang naiwan sa isang napakalawak na silid na'to. May mga malalaking poste rito na may iba't-ibang nakaukit. This must be the temple of Hades in hell.

Nakatingin kami ngayon sa isa't-isa habang s'ya ay nasa ibabaw at nakaupo sa kan'yang trono, ako naman ay nasa ibaba lang ng malaking hagdanan at 'di mapigilang mapaisip habang natingin sa kan'ya.

"Sit beside me" mahinahon n'yang saad at inalok ang isa ring itim at malaking upuan sa tabi n'ya. Maliit ito ng kunti kung ikukumpara sa kinauupuan n'ya. Para itong upuan ng isang reyna na naghinhintay na may umupong karapatdapat.

"I have a question" walang pag-aalinlangan kong saad habang hindi parin umaalis sa kinatatayuan ko at hindi parin inaalis ang mga mata kong nakatingin sa kan'ya.

"Sit with your throne before I answer that question of yours."

"What if I don't -"

"I have the power to force you to sit, even without touching you" seryoso ngunit nakangisi n'yang saad.

Ugh, is he blackmailing me?! Well it's fcvking effective. I need to acquiesce because I'm on his territory.

Nakakainis! Nakakainis ka Hades! Ang sarap mong lasunin!

Myth 1- Hades: King Of Underworld (Completed) Where stories live. Discover now