CHAPTER 1: INSTANT BOYFRIEND

1.7K 84 93
                                    

SUMMER's POV

Nakaupo ako ngayon malapit sa bintana namin at nagpapahangin. Gilid lang ng kalsada ang bahay namin kaya anumang ingay sa labas ay rinig na sa loob. Nagulat na lang ako nang biglang may narinig akong malakas na boses-lalaki sa labas na tila may kaaway ito.

"Wala ka talagang kwenta kahit kailan!" sigaw nito sa labas.

Dahil wala akong magawa sa oras na ito ay pinakinggan ko lang ang sigaw nito at sumagot sagot ako na tila ba kausap ko lang ang sarili ko. "Hindi naman siya galit niyan?" sagot ko.

"Napapagod na ako sa'yo! Wala ka ng ginawang tama!" sigaw ulit nung boses-lalaki.

"Edi magpahinga ka." sagot ko naman.

"Gusto mo bang pabayaan na kita simula ngayon? Ha? Sagot!"

Nakakatakot naman ang lalaking ito. "Eh bakit kasi kailangan niyo pang mag-away na mag-syota sa daan? Pwede namang sa pribadong lugar na lang. Pabibo lang?"

"Nagsasawa na ako sa'yo!" biglang sigaw niya ulit.

"Yun. Eh di lumabas din ang totoo. Makikipagbreak na 'yan sure ako." wala sa sariling nasabi ko.

"...at sino ka namang babae ka na sagot ng sagot sa mga sinasabi ko?! Lumabas ka nga diyan!"

Muntik na akong malaglag sa inuupuan ko nang marinig ang sigaw nito.

Oh my god!

'Ako ba yung kinausap niya?'

'Naririnig niya ba ang mga sinabi ko?'

At dahil sa nangyari ay bigla akong kinabahan. Sa tono palang ng boses nito ay malalaman na agad na nagkukuyom ito sa galit.

'Bakit kasi ang daldal ko.' pagsisi ko sa sarili ko habang nakatakip ng bibig.

Nasa ganoon akong posisyon nang bigla ulit itong sumigaw dahilan para mapatalon ako sa gulat.

"Hoy! Ano ba! Lalabas ka o papasukin kita diyan sa loob?!"

Mas lalo akong kinabahan sa sinabi niyang iyon, knowing na walang tao sa bahay namin maliban sakin.

'What to do?!'

"Bakit natahimik ka na?! Gusto mo bang pumasok pa ako diyan sa loob?!" galit na sigaw nito.

Wala akong ibang maramdaman kundi takot. Takot dahil baka totohanin niya nga ang sinabi niyang iyon.

'Ang daldal ko kasi! Buti sana kung may mga bahay sa labas na malapit sa amin kaso wala.'

Pasimple akong sumilip sa bintana pero nauunahan ako ng takot.

'Kung lumabas na lang kaya ako?'

His Punishment (COMPLETED)Where stories live. Discover now