CHAPTER 16: XYMER ♥

660 35 2
                                    

XYRUS JAVI's POV

Seriously? Gusto niya akong isama? Ba't di niya isama ang bestfriend kuno niya. Tch

"Xy! Hintayin mo 'ko!" Sigaw niya nang bigla ko siyang talikuran. Sa isip ko naman ay natatawa ako pero diretso pa din ako sa paglakad ng mabilis.

"Bilisan mo nga! Ang bagal bagal mo maglakad!" Pasigaw na reklamo ko sa kaniya nung lumingon ako.

Pagod na siya agad?

"Bakit ka ba kasi nang iiwan, sabay na tayo maglakad. Xyrus, hintayin mo sabi ako eh!" Sigaw din niya dahil medyo malayo na ang distansya namin.

Damn! Ang cute niya talaga.

"Ano? Hindi kita marinig?" Pang iinis ko para lalo niyang bilisan ang paglakad.

Huminto naman ako para makasabay siya sakin. Nang malapit na kami magkasabay, maglalakad na ulit sana ako pero nagsalita siya.

"Xy..." Nilingon ko agad siya.

"Anong--- Summer?! Ayos ka lang?" Pag-aalalang tanong ko sabay lapit sa kaniya. Inilapag ko din ang hawak kong bear sa tabi niya.

She looked pale at pinag papawisan pa siya ng husto. Shit!

Natataranta ako kaya pinaupo ko muna siya sandali sa maliit na upuan.

"God! Summer, bakit namumutla ka?!" Natatarantang tanong ko. I don't know what to do!

"Paki..kuha ng t-tu..big ko sa bag." Utos niya, agad ko naman binuksan ang bag niya at mabilis na kinuha doon ang bottled water.

"Here." Nakatitig lang ako sa kaniya habang iniinom niya ang tubig na inabot ko sa kaniya. "Okay ka lang ba? Dalhin na kita sa hospital." Tanong ko ulit matapos niyang uminom.

Ilang beses siyang huminga ng malalim bago nagsalita.

"No. Okay na ako. Ikaw ah! Papatayin mo ba ako? Nakita mo ng nagkasakit pa lang ako eh. Sipain kita diyan." Natatawang sabi niya pero hindi ako natawa sa halip ay napayuko ako sa hiya.

"S-Sorry." Sambit ko. Nawala kasi sa isip ko na galing pala siya sa sakit. Fuck me.

"Nauutal ka na naman. Tara na nga, ihahatid mo pa ako diba?" Pag-iiba niya ng usapan.

Tiningnan ko ulit siya. "Are you really okay?"

"Ano ka ba naman. Malamang."

"Sigurado kang okay ka na talaga?" Paninigurado ko dahil kapag may nangyaring masama sa kaniya dahil sakin, hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

Tumawa muna ito. "Kulit mo din eh no? Oo nga po, okay na ako. Tara na!" Because of that, panatag na akong tumayo at muling naglakad. Ngayon, sabay na kaming naglalakad patungo sa kotse ko.

Pagdating sa sasakyan, inilapag ko muna ang bear na hawak ko tapos ay pinagbuksan ko siya ng pinto.

Napansin kong nagulat siya sa ginawa ko pero ngumiti na lang siya.

Habang nasa byahe, tahimik lang kami. Nakakapanibago. Gusto kong magkwento siya para hindi awkward kaso nahihiya ako.

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nahiya sa kaniya.

Kaya ang ginawa ko na lang ay pasimpleng tumitingin ako sa kaniya ng palihim.

Hindi ko matandaan kung anong eksaktong araw ako nahulog sa babaeng kasama ko ngayon.

Alam ko sa sarili ko na bata pa lang kami gusto ko na siya, pero hindi ko aakalain na tatamaan ako ng husto sa kaniya ngayong malalaki na kami.

"Kelan ka huling uminom ng gamot mo?" Biglang tanong niya dahilan para tingnan ko siya.

His Punishment (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن