CHAPTER 5: THE ONE THAT GOT AWAY

923 44 26
                                    

SUMMER's POV

"Babe?" Sabay pa kaming napalingon ni Xyrus sa nagsalita sa likod.

Sino naman 'to? Sinuri ko ang itsura ni babae. Maganda siya, maputi, balingkinitan, maiksi ang kulay gold na buhok, kutis mayaman, sa madaling salita chicks.

Pero sandali.

Siya lang yata ang hindi ex ni Xyrus?

Teka, babe?

Nagpalipat lipat ang tingin ko kay Xyrus at sa babaeng naglalakad papunta samin.

"Ey Babe, I miss you!" Sabay yakap nito kay Xyrus.

Okay. Ano ako dito estatwa? Rebulto? Background?

"Babe? Sino siya?" Dinig kong tanong ng babae habang tinuturo ako.

Babe? Babe? Babe? Puro na lang babe! Mukha mo Baboy!

"Cassey..." mahinang sambit ni Xyrus.

So Cassey pala pangalan nitong babae? Okay ah. Pero mas maganda naman pangalan ko.

"Babe?" Sabi na naman ni Cassey habang pinulupot ang kamay sa braso ni Xyrus.

Ahas lang?

"Argh! Gusto kong mag super sayans!" Biglang sigaw ko dahil sa sobrang inis.

Sino ba namang hindi maiinis, eh para akong tangang nanonood lang sa kanila dito?!

"Oh my god! Babe, do you know her? Ew! She's crazy." Turo sakin ni Cassey tapos nagpacute kay Xyrus.

Crazy huh?

"Hoy! Kanina ka pa turo ng turo sakin ah, gusto mo bang magkulang yang daliri mo?!" Sigaw ko sa kaniya.

"What?" Yung kaninang mapupungay niyang mata ay biglang nanlaki.

"Yang buhok mo kako pahingi naman kahit konti, isasangla ko lang, gold eh." Sarkastiko kong sagot.

"You're crazy bitch!" Galit na sigaw niya at akmang sasampalin na ako.

"Don't you ever try to." Ugh! Tagalog na nga lang. "Wag na wag mong susubukang idampi sa mukha ko yang kamay mo kung ayaw mong dumanak ng kulay green na dugo dito!" Pananakot ko sa kanya.

"Haha. FYI bitch, red is the color of the blood, stupid!"

Napangisi naman ako. Eh, LG pala 'to eh. "Sa tao, oo. Ang alam ko sa ahas kulay green eh. Stupid!"

"You bitch---"

"Enough both of you!" Sigaw ni Xyrus.

Oh, andito pa pala siya.

Kanina pa kami nagsasagutan dito pero siya, yun lang ang sasabihin?

"Babe..." Si Cassey. Unli lang?

"Argh! Naiinis ako sa palitan niyo ng ingles! Pwede ba? Nandito tayo sa Pinas!" Sigaw ko kaya napatingin sila sakin.

"Bahala na nga kayo diyan. Puro kayo Babe! Mga pabibe! Mga baboy! Biik!!" Tapos ay umalis na ako at mabilis na naglakad palayo. Kabadtrip.













XYRUS JAVI's POV

Hindi ko alam kung tama bang matuwa ako sa naging reaction ni Summer. Tama ba ang napansin ko? Nagseselos siya kay Cassey?

Sana nga.

"Xyrus ano ba?!" Oops! Nandito pa pala si Cassey. Masyado akong nabigla sa mga nangyari. Hindi ko kasi inaasahan na bigla siyang magpapakita na parang walang nangyari dati.

His Punishment (COMPLETED)Where stories live. Discover now