CHAPTER 23: CONFESSION

546 28 1
                                    

SUMMER's POV

...kung iniisip mo na gusto ko si Lyle? Oo, gusto ko siya..." Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil bigla na siyang tumayo. Inangat ko ang ulo ko para tingan siya pero blanko lang ang itsura niya. "B-Bakit?" Tanong ko sa kaniya tapos ay tumayo na rin ako.

Hindi niya ako sinagot dahil naglakad na siya.

Balak niya bang iwan ako dito?

"Hoy Xyrus! Uuwi na tayo?" Tanong ko habang sumusunod sa kaniya.

Ano bang problema ng taong to?

"Uy..." Sabi ko sabay sundot sa tagiliran niya nang magkasabay na kami pero dedma pa rin ang beauty ko. Gosh! Nagmumukha akong tanga kaya tumigil na lang ako sa kakakulit sa kaniya. Tahimik lang akong nakasunod habang si Xyrus naman ay seryoso lang na naglalakad.

Nang makarating na kami sa kotse niya ay tahimik pa rin siya at mukhang wala talagang balak na pansinin ako. Hindi ko na rin hinintay pa na pagbuksan niya ako ng pinto dahil inunahan ko na siya tapos ay sumakay na ako.

Ilang sandali lang ay pinaandar niya na ang kotse, hindi niya na rin binuksan ang aircon. Hehe. Binuksan niya lang ng konti ang bintana sa tabi niya para siguro may hangin na makapasok.

Dahil wala pa ding kibo si Xyrus, naboboring tuloy ako. Hmp!

Eh kasi naman, bakit bigla na lang siyang tatayo at aalis nang wala man lang sinasabi!

Pasimple ko siyang tiningnan pero nakafocus lang siya sa pagmamaneho. Ano ba yan. Hindi ko mabasa ang iniisip niya!

Naboboring talaga ako. Huhu. Buti sana kung may sounds man lang dito--- Teka...

Dahil sa naisip ko, pinakialaman ko na ang mga gamit niya.

Napansin kong nag salubong ang mga kilay ni Xyrus dahil sa ginagawa kong pagkalkal ng mga gamit niya. Hindi siya nagtanong kaya inirapan ko nalang siya at patuloy sa pagtingin tingin.

Marami akong nakitang mga cd's ng iba't ibang banda. Pero naagaw ang atensyon ko nang nag iisang cd na may nakasulat na "For my childhood friend"

Nang binuksan ko ito ay may napansin naman akong nakasulat sa loob.

Hindi ko na nagawang basahin pa dahil bigla nalang hinablot sakin ni Xyrus ang hawak ko.

Tama ba ang nabasa ko?
Awawa???

"Hey---" Hindi ko na nagawang tapusin ang sasabihin ko dahil agad siyang nagsalita.

"Anong ginagawa mo? Sinabi ko ba sa'yong pakialaman mo ang mga gamit ko?!" Inis na tanong niya habang nagmamaneho pa rin.

Napatigil ako. "Gusto ko lang naman magmusic sana..." Nakanguso ko namang sagot. Tiningnan niya lang ako tapos ay nagbuntong hininga na naman siya. Ilang sandali pa, may kinuha siya sa gilid niya tapos ay inabot ito sakin. "Headphone?" Sabi ko na nagtataka.

"Sabi mo gusto mo mag music?" Gosh! Galit ba talaga siya sakin? "Don't tell me, you don't know how to use that?" Dahil sa sinabi niya, agad kong sinuot ang headphone na binigay niya at pinatugtog ko ito ng pagkalakaslakas.

Bakit ba ang sungit niya? Sinagot ko lang naman yung mga tanong niya kanina ah. Psh!

Napansin ko naman na sumenyas siya sakin kaya tiningnan ko siya at tinanggal ko muna sandali ang headphone then binigyan ko siya ng ano-look. "Hinaan mo ang volume, kung ayaw mong mabasag yang eardrums mo." Walang emosyong sabi niya sabay tingin ulit sa minamaneho niya.

His Punishment (COMPLETED)Where stories live. Discover now