CHAPTER 12: TALKING TO HER I.D

637 36 2
                                    

XYRUS JAVI's POV

I'm still hoping na magkakaayos pa din kami ni Summer kaya ang ginawa ko ay bumangon na.

*Steven Daylisan's Calling*

"Oh?"

["Yow Dre, papasok ka ba?"]

"Oo, nag aayos na nga ako pero tumawag ka istorbo ka talaga."

["Haha. Buti naman at hindi ko na pala kailangang kulitin ka. Dalian mo kasi namimiss na kita."]

"Siraulo!"

["Hahaha! Kita na lang tayo sa school."]

*tooot---*

Inilapag ko ang cellphone ko matapos namin mag usap.

Ang bakla talaga ng lalaking yun.

Kailangan ko ng inspirasyon. Hmm. Nasan ang I.D ng Awawa ko?

Hinanap ko ang lalagyan nito at kinuha iyon sa drawer na nakalagay sa jewelry box.

"There you are. Bakit nandiyan kana? Naglakad ka ba? Haha! Akala ko kung san ka na napunta." Pagkausap ko sa I.D niya. Napalitan bigla ang ngiti ko ng lungkot dahil sa naisip. "Hoy! Alam mo bang miss na kita? Sana bumalik na tayo sa dati, ayoko ng ganito. Nasasaktan ako." Hindi ko napansin na may nangingilid na palang mga luha sa mata ko kaya agad ko itong pinunas at ngumiti. "Hindi ako titigil hanggat hindi tayo bumabalik sa dati. Ayokong mawala ka sakin." Pakasabi ko nun ay ibinalik ko na ang I.D niya sa lalagyan nito.

Pagbaba ko.

"Hay salamat naman anak at papasok ka na."

"Baka po namimiss na ako ng mga fans ko eh." Natatawang sagot ko.

"Ikaw talagang bata ka. Hala oh sige, kumain kana para makaalis ka na. Mamaya pala aalis ako para sunduin ang apo ko, lalabas na siya.." Masayang balita niya. Napatingin ako sakanya at ngumiti bago nagsalita.

"Talaga po? Mabuti naman. Eh di pupunta ka po sa hospital niyan?" Tumango siya.

"Hatid na po kita para makilala ko naman po ang apo ninyo."

"Wag na Iho, ipapasyal ko na lang siya dito sa sunod. Sige na mag ayos ka na at baka malate ka pa.."

"Ganun po ba. Sige po." Agad akong umalis ng bahay matapos kumain.

Habang nasa byahe, hindi ko maiwasang hindi si Summer maisip.

'Ang lampa naman kasi ng Awawa ko eh, tatawid na lang sa isip ko nahulog pa sa puso ko. Hehehe'

Pagpasok ko pa lang ng gate, narinig ko na naman ang mga tilian ng mga babae.

Ganun talaga pag gwapo habulin, buti na lang loyal ako kay Summer KO. Mwehehe

"Hoy Steven!"

"Oh. Naks! Kamusta ang broken hearted? Naghilom na ba ang sugatang puso??" Pagbibiro niya.

"Haha. Gago! Magpapatulong sana ako sa'yo."

"Saan? Sa math ba? Tsk! Sinasabi ko sa'yo Valderama, magpatulong kana sakin sa lahat ng bagay wag lang diyan--- Aray ko naman! Bakit mo ako binatukan?" Pagrereklamo niya nang bigla ko siyang batukan.

"Ang dami mo kasing sinasabi eh." Ang daldal kasi. Walang preno ang bibig parang babae.

"Syempre! Eh alam mo naman na mahina ako sa math tapos sakin ka pa talaga magpapatulong." Nasapo ko na lang ang noo ko dahil sinabi niya.

His Punishment (COMPLETED)Where stories live. Discover now