CHAPTER 18: INLOVE

610 28 0
                                    

XYRUS JAVI's POV

Ngayon lang ako umalis sa dagat na yun na may mga ngiti sa labi. Ang sarap at ang gaan lang sa pakiramdam. Lalo na at kasama ko siya.

Kahit ayoko pa sanang umalis kami, kailangan eh. Kaya napagpasyahan na din naming umuwi.

Nalungkot ako nung malaman kong ngayon pa lang siya nakapunta sa lugar na lagi kong pinupuntahan. Pero may bahagi sa loob ko na masaya dahil sa first time niyang pumunta sa dagat, at ako pa ang kasama niya.

Anyways, thanks to my bestbud.

Flashback

"Sabihin mo nga sakin, bakit ang sungit mo?" Pangungulit ni Steven.

"Wala." Tipid na sagot ko tapos ay binatukan niya ako.

"Aray! Ano ba?!" Reklamo ko.

"Ano ka chicks? Sabihin mo na nga kasi." Pagmamaktol niya.

Kahit nahihiya akong sabihin kung ano problema ko, sinabi ko pa rin sa kaniya, baka sakaling may maitulong.

"What? Hahaha!" Yan reaction niya ng sinabi ko sa kaniya problema ko.

Anong problema ko? Problema ko kung bakit nauutal ako kapag kasama o malapit sakin si Summer. Hindi ko mapigilang mabulol o mamula. Lalong hindi ko mapigilang mahiya. Makikita ko pa lang siya kusa ng umuurong ang dila ko. Ang bakla ng dating. Takteng yan.

"Gago ka pala eh, kala ko naman may maitutulong ka." Inis na sabi ko sakanya.

"Ang dali lang naman kasi ng problema mo, pinoproblema mo pa talaga? Por pabor Valderama, ikaw lang makakatulong sa sarili mo."

"So you mean, wala ka talagang maitutulong?"

"Wala. Hahaha!"

"Gago! Umalis ka na nga."

"Haha. Oo aalis na ako. Basta, maging normal ka lang kapag kasama mo siya. 'Wag kang indenial o defensive para hindi ka nagmumukhang tanga. Hahaha! At ang mahalaga, i-enjoy mo lang ang bawat minuto, oras o araw na kasama mo siya."

End of Flashback

Ganun lang pala kasimple. Haha. "Xy?"

Muntik ko ng makalimutan na kasama ko pa pala ang babaeng mahal ko. Nasa loob pa din kami ng kotse at bumabyahe.

"Nagugutom ka na? Gusto mo kumain muna tayo?" Nakangiting tanong ko.

Nagiging komportable na akong kasama ko siya.

Isang ngiti lang galing sa kaniya nabubuo at kompleto na agad ang araw ko, paano pa kaya kung ganito kami lagi. Ang sarap mabuhay.

"Hindi naman ako gutom. Hmm. P-Pwede magtanong?" Parang nag-aalangan pa siya sa sinabi niyang iyon.

"Nagtatanong kana nga eh. Haha." Sabi ko para kahit papano matawa siya.

"Ay? 'Wag na nga lang." Biglang bawi niya. Ang bilis naman magbago ng isip nito.

Natawa na lang ako. Ang cute niya kasi. Para siyang bata. "Sige na, ano 'yun?" Sabi ko na palipat lipat ang tingin sa kalsada at sa kaniya.

"Huwag na. Ayoko na." Nakangusong sabi niya.

Ano ba yan. "Tss! Ano nga kasi yun? Dali na."

"Saan galing si Xymer?" Seryosong tanong niya.

His Punishment (COMPLETED)Where stories live. Discover now