CHAPTER 28: WHAT IS THE TRUTH?

477 21 1
                                    

Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga narinig ko.

Mabagal at nakatungo lang akong naglalakad pabalik sa classroom ko nang mapansin kong may humarang sa dapat na dadaanan ko kaya huminto ako.

"C-Cassey?" Hindi ako makapaniwala na makikita ko siya ngayon dito.

Ano namang gagawin niya?

Hindi na siya nag-aaral dito, kaya bakit pa siya pumupunta at nakakapasok sa school na 'to.

"Surprised? Hahaha." Humakbang siya papalapit sakin. Napaatras naman ako ng konti. "Oh, bakit hindi ka makapagsalita ngayon?" Tanong niya habang pinagmamasdan ako. "Napipi ka na rin ba? Hahaha."

"Bakit ka nandito?"

"Oh my god! Nakakatakot siya. Hahaha." Alam kong inaasar niya lang ako kaya hindi ko na lang siya pinapatulan.

Bukod sa wala ako sa mood makipagtalo, ay wala na rin akong lakas pa. Ayokong pag aksayahan pa siya ng panahon.

Kung ayaw niyang sagutin ang tanong ko, bahala siya.

Hahakbang pa lang sana ako ay hinarangan niya na agad ang daraanan ko. "Where do you think you're going?"

Tiningnan ko siya ng seryoso. "Sa classroom ko. Bakit?"

"Oh, really? Hahaha."

Ano bang nakakatawa?!

"Kung wala ka namang ibang gagawin kundi ang tumawa lang diyan, pwede bang padaanin mo ako?" Pinipigilan ko lang ang sarili ko, dahil pag nagkataon ako lang naman ang magiging kawawa dito.

Patience pa Summer.

"Why would I do that? Sa'yo ba 'tong school na 'to? Hahaha."

Isa na lang talaga.

Tumingin muna ako sa malayo. "Hindi. Pero dito ako nag-aaral, kaya kung marunong kang umintindi, DADAAN ako dahil baka malate pa ako sa klase ko." In-emphasize ko pa talaga yung 'dadaan' para malaman niya.

"Okay." Sabi niya naman na talagang ikinabigla ko kaya tiningnan ko siya. "Go. Sabi mo dadaan ka? You're so tanga din talaga minsan eh. Hahaha."

Bahagya siyang umiwas, siguro para padaanin ako kaya naglakad na ako para iwan siya.

Bahala siya sa buhay niya.

Nakakatatlong hakbang pa lang ako nang biglang may inihagis siya na tumama sa likod ko kaya napalingon ako dahil sa inis.

Nakitang kong isang I.D pala ang tinapon niya. Yumuko ako para kunin ito. "Ano ba 'tong---" Hindi ko na nagawa pang tapusin ang sasabihin ko dahil laking gulat ko nang makita kung kaninong mukha ang nasa I.D na hawak-hawak ko ngayon. "S-Sakin 'to ah." Wala sa sariling nasabi ko. Matapos ang ilang taon, ngayon ko na lang ulit ito nakita. Paanong... "B-Bakit...Bakit na sa'yo 'to?" Seryosong tanong ko kay Cassey.

Ngumiti siya bago nagsalita. "Asked Xyrus. Nakita ko yan sa kwarto niya. Haha. Shocked?" Hindi ako makapagsalita. Hindi rin ako makapag-isip ng matino. Naguguluhan ako! "I see. Hindi mo pala alam na si Xyrus ang batang niligtas mo dati? Poor bitch."

Si Xyrus?

Paanong naging si Xyrus?

Akala ko si Lyle Ashton ang batang tinulungan ko dati?

"Hahaha. Confused huh? Go ahead, feel free to ask him." Dugtong niya pa.

Hindi.

Tuluyan na akong humarap sa kaniya. "Nagsisinungaling ka."

His Punishment (COMPLETED)Where stories live. Discover now