CHAPTER 21: PRETENDING

530 34 0
                                    

LYLE ASHTON's POV

I can't take this anymore. Hindi naaatim ng konsenya ko na saktan ang damdamin ng isang kaibigan na naging malapit na din sa akin.


Aaminin ko, nung una ayaw ko talaga gawin ang pinapagawa ni Cassey sakin, but I have no choice dahil malaki ang pagkakautang ng pamilya ko sa pamilya niya, pero si Summer? May sakit siya at ayokong madamay siya sa kalokohan ni Cassey. Ayoko.

I'm on my way to Graceland para makipagkita kay Summer.

This time, sasabihin ko na sa kaniya that I lied. Naging mabait siya sakin kaya nararapat lang na maging mabuti din akong kaibigan sa kaniya, kahit na nagkunwari lang ako bilang kababata niya, totoo naman ang mga pinakita ko at totoong nagmamalasakit ako sa kaniya.

Nang makarating ako sa nasabing fastfood, naghanap agad ako ng pwesto kung saan madali niya akong makikita.

Is that Summer?

Damn!

Bakit parang ang bilis niyang pumayat?

Pero hindi ko pinakita sa kaniya na naaawa ako dahil ayokong iba ang isipin niya sakin.

"Hey!" Sabi ko nung makalapit na siya sakin. Ipinaghila ko agad siya agad ng upuan para makaupo siya. "Buti naman nakarating ka."

"Nandito na nga ako eh." Pabirong sabi niya. This girl is really impossible. She could still wear those smiles despite of her condition.

"Nagugutom ka? Order muna tayo?" Busog ako, pero baka hindi pa siya kumain kaya niyaya ko muna siya.

"'Wag na. Busog pa naman ako eh." Busog siya sa lagay na yan?

"You sure?" She just nodded.

"So, ano yung gusto mo sabihin saking importante?" Diretsong tanong niya.

Naghahanap pa ako ng timing. Ahm. "Ayaw mong maglakad-lakad muna tayo?"

"Siguro sa sunod nalang Lyle."

"Okay. Ahm. Basta, promise me one thing na after mo marinig ang sasabihin ko, magkaibigan pa rin tayo ah?" Hindi ko kasi alam kung anong magiging kahihinatnan ng pag uusap namin na 'to matapos niyang malaman ang totoo. Sigurado akong magagalit siya sa akin, deserve ko naman yun pero ayoko lang na kalimutan niya na ako ng tuluyan.

Alam kong naguguluhan siya dahil sa sinabi ko pero kailangan ko 'tong gawin.

Kumuha muna ako ng lakas ng loob bago nagsalita. "Summer, the truth is hindi ako ang..."

*caller ringtone play*

Sabay kaming napatingin sa cellphone kong tumutunog na nakalapag sa table.

Kinuha ko agad ito at tinignan kung sino ang tumatawag.

*Cassey De La Vegas's Calling*

Damn!

Ano na naman kayang kailangan nito?

"Sige na, kausapin mo na muna yan. Baka mas importante yan." Nakangiting sabi sa akin ni Summer.

Medyo nag aalangan pa akong sagutin pero nang makita kong nag senyas pa siya na sagutin ko na, ay sinagot ko na din.

Tumayo at lumayo ako ng kaunti kay Summer bago nagsalita.

"Hello?"

["L?! What took you so long to answer my fucking call?"] Halos pasigaw na sabi ni Cassey sa kabilang linya.

His Punishment (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu