CHAPTER 14: KILIG TO THE BONES

622 36 3
                                    

XYRUS JAVI's POV

Shit! I can't take this anymore. Kailangan ko ng makausap si Summer kaya bukas na bukas din I will talk to her.

Nagdaan ang gabi na wala akong tulog. Kahit anong gawin ko ay hindi ako dalawin ng antok. Kaya ang kinalabasan, nangingitim ang mga mata ko nang pumasok.

Campus.

"Dre. Did you Summer?" Tanong ko kay Steven nang magkita kami.

"Hindi pa, kadarating ko lang---"

"Sige salamat."

"Hoy! San ka pupunta?" Sigaw niya dahil tinalikuran ko agad siya.

Pupuntahan ko si Summer sa classroom nila. Sakto naman na nakita ko yung Red na kasama niya dati.

"Hoy." Tawag ko sakanya. Nagtataka siyang lumingon.

"Look who's here Pare."

"Nandiyan na ba si Summer?" Diretsong tanong ko.

Binigyan niya naman ako ng bakit-mo-siya-hinahanap-look.

"Nandiyan na ba siya?" Tanong ko ulit.

"Bakit?"

"Boyfriend niya ako kaya may karapatan akong malaman."

"Ow? Boyfriend pala. Eh bakit hindi mo alam na ilang araw na siyang hindi pumapasok?" Pang iinis niya sakin. Bahagya pa itong ngumiti ng kaunti.

"Ano? Ilang araw na siyang hindi pumapasok?" Pag-uulit ko.

"Oo. At ang kumakalat na balita dito ay magda-drop out na daw siya. Wala ka naman sigurong kinalaman kung bakit hindi na siya pumapasok? Hindi ba?" Nakuyom ko ang palad ko sa sinabi niya.

"Gago ka ah!" Sigaw ko.

"Mas gago ka!" Dahil sa init ng ulo ko, nasuntok ko siya. Nang makabwelo, sinuntok niya din ako.

Nagsuntukan kami kahit na pinagtitinginan na kami ng ibang studyante pero sige pa rin kami sa suntok.

"Mr. Valderama and Mr. Natividad go to guidance office now!" Sabay kaming napatigil nang may sumigaw.

Matapos kaming sermunan ng Dean ay agad akong lumabas at dali-daling umalis.

"Tol! San ka pupunta? Teka--- Anong nangyari sa'yo?" Tanong sakin ni Steven ng makasalubong ko siya. Hindi ko siya tinignan at mas lalong hindi ko siya sinagot. Nagpatuloy ako sa paglakad hanggang makalabas na ako sa school.

"Aaaargh!! Fuck!" Inis na sigaw ko habang nasa kotse ako. Naiinis ako! Amputakte!













LYLE ASHTON's POV

Hindi ko akalain na ganito ang mapapasok kong sitwasyon. Alam kong sa una pa lang ay mali na pumayag akong magpanggap bilang kababata ni Summer pero wala akong magawa.

Flashback

"Come on L, magpapanggap ka lang bilang long lost childhood friend niya, is it too hard for you?" Pagpipilit niya sakin.

"Mam, ayoko lang makasira o makasakit ng damdamin ng ibang tao." Seryosong sagot ko.

"Haha! So, are you telling me now na ayaw mo sa pinapagawa ko?"

Hindi ako sumagot. Sapat na iyon para malaman niya na ayoko sa pinapagawa niya.

"Baka naman nakakalimutan mo na kung ano ang naitulong ng family ko sa mother mo?" Nakasmirk na sabi niya.

His Punishment (COMPLETED)Where stories live. Discover now