PROLOGUE

2.3K 85 115
                                    


"Yaaa! Akit niyo niaaway ang awawa ko?!" sigaw ng batang cute na babae sa mga nangbubully sakin.

"Awawa daw oh. Sige nga, lapit ka nga dito..Hahahaha!" halakhak ng mga nag-aaway sakin.

"Di ayo alish?" si bata.

"Hindi! Hahaha!" sabi ng apat na batang lalaking nag-titrip sakin.

"Wan! Tu! Tri! Payb! Sibin! Takbo na ayooo!" tapos ay pinagbabato niya ito ng tae ng kalabaw na matitigas kaya nagsitakbuhan sila palayo. Hindi ko alam kung bakit may tae ng kalabaw dun. Kadiri. Pagkatapos lumapit siya sa akin.

"Oke lang ikaw?" pag-aalalang tanong niya sakin. Tumango naman ako bilang tugon.

"Next time dat ikaw na atatanggol arili mo ha? Hihihi"

"Kuya!" napabalikwas ako sa kama ko dahil sa gulat. Galit kong tiningnan ng masama ang sumigaw.

Napaatras siya dahil sa takot nung bigla ko siyang lalapitan. "Xander!!!" I shouted in anger. Mabilis naman siyang nakatakbo. "Argh! Come here!!"

"Peace Kuya!" sigaw niya mula sa malayo. Lintik na batang yan. Ang sarap at ang gwapo ng tulog ko, inistorbo na naman ako.

Pag nahuli kitang bata ka, you're dead! "I'm coming Kiddo, run as fast as you can." may pagbabanta sa tono ko.

Humanda ka ngayon. I smirked while looking for him.

"Playing hide and seek, huh?" Bigla ako napalingon sa nagsalita.

"What are you doing here?" Si Steven pala, best bud ko.

"Haha. Relax Dude. My mom wants me to give this to you." may kinuha siya sa backpack niya. And wow. Kusang namilog ang dalawang mata ko sa nakita.

"W-Winston Regal Watch?" hindi ko pa man nabubuksan ang box ay alam ko na ang laman nito. Astig ng pasalubong ni Tita.

"Haha. Obviously?"

"Great!" mabilis kong binuksan ang box at agad na sinuot ang bagong wrist watch.

Tumatawa lang si Steven bago pumunta at naupo sa sofa. "Xander, come here Buddy." tawag niya sa kapatid kong pasaway.

"Hi, Kuya Pogi." pogi talaga tawag niya kay Steven? Pogi lang siya, ako gwapo. Naagaw agad ang atensiyon niya nang ilabas ni Steven ang pasalubong nito para sa kaniya. "Wow! A sound-activated light blocks!"

Prenteng nakaupo lang si Steven sa sofa habang kinakalikot na ni Xander ang pasalubong sa kaniya. "Like it, huh?"

Ngumiti pa ito ng malapad. "Of course! Tell Tita, thank you."

Ginulo naman ni Steven ang buhok ng kapatid ko. "No worries, little Bro."

"Hoy Xander, alis na. May pag uusapan kami na hindi pwede sa bata." singit ko sa kanila. "Go to your room, kung ayaw mong bangasan kita diyan." pananakot ko pa.

Tumayo ito ng padabog kaya natawa ulit si Steven. "Ano naman pag uusapan natin?" pag-uumpisa niya.

"I dreamed of her again."

"Her?"

I nodded.

"Who's that girl?" Kunot noo niyang tanong.

What the? Engot ba 'tong tropa ko ano. I calmed myself. "My childhood friend." my Awawa. Dinalaw niya na naman ako sa panaginip ko.

"Talaga?" naningkit ang mga mata ko. "Anong talaga?"

"Oh my!" napahawak pa siya sa mukha niya, parang bakla amputs.

"Bakla ka ba?"

"Hahaha! Binibiro ka lang eh." bangasan ko 'to eh. "Okay, back to the topic. You mean, napanaginipan mo na naman siya?" ulit-ulit lang Pre? "Hindi kaya..."

"Hindi kaya, ano?" iritado kong tanong.

"Hindi kaya, patay na siya? At minumulto ka niya? Shet Pre, nakakatakot yun!"

"Gago! Multuhin mo mukha mo!"

"Hahaha. Nabanggit ko lang yung word na 'multo' natakot ka naman agad." eh kung upakan ko na kaya 'to ngayon? "Kung ano mang binabalak mo, 'wag mo ng ituloy okay Dude? Mababawasan lang ang mga gwapo sa mundo."

"Umalis ka na nga. Wala ka namang kwentang kausap eh!" tumayo ako. "Alis na."

"Yay! Akin na yang Komono Kom." sabay pag-agaw niya sa suot kong bagong relos.

"No way! Why would I do that, sa'yo ba galing 'to?" akala niya, huh!

"Okay! Pakisabi na lang diyan sa katabi mo, aalis na ako."

Bigla akong kinilabutan sa sinabi niya. Wala naman akong katabi! "What the fuck Daylisan!"

"Hahahaha! Sige, mauna na ang gwapo. Goodluck!" tumatawang umalis ang kumag.

"Manang!" sigaw ko pero walang sumagot. "Manang?!" I shouted again but shit, nasaan ang mga tao dito?!

"Xander! Labas! Aalis tayo, ngayon mismo!"










*Pls vote and comment* シ

His Punishment (COMPLETED)Where stories live. Discover now