CHAPTER 15: BACK TO SCHOOL

662 33 4
                                    

SUMMER's POV

Nagsinungaling ako kay Xyrus. Sinabi ko sa kaniya na okay ako, na simpleng lagnat lang ang dahilan kaya hindi ako nakakapasok.

Ngayon tuloy nagi-guilty ako. Kahit aso't-pusa kami sa tuwing magkasama, masaya pa din ako na maayos na kami kaya ayokong pati siya ay mag-alala. Kaya mas mabuti ng wala siyang alam.

"Oh anak, yung boypren mo yun 'diba? Nakasalubong ko sa labas." Bungad sakin ni Papa ng dumating siya. Naabutan niya akong nakaupo sa sala at malalim na nag iisip.

Ngumiti naman ako. "Opo Pa, kaalis niya lang."

Naupo siya sa tabi ko. "Mabuti naman pala at binisita ka niya. Bakit pala ganun ang itsura nun? At saka bakit parang ang saya nung batang iyon? Wala pa ba siyang alam?" Sunod-sunod na tanong niya habang nakatingin sakin.

Umiwas ako ng tingin at nakayukong nagsalita. "Hindi ko po sinabi sa kaniya."

"Bakit? Hindi ba dapat malaman niya dahil boypren mo siya at girlpren ka niya?" Tumingin ako sa kaniya. "Anak, karapatan niyang malaman ang tungkol diyan sa sakit mo."

Nalungkot ako sa isipin na paano kung malaman niya nga tapos iwan niya ako?

Paano na ako?

Isa pa. "Ayoko pong mag-alala siya."

Bumuntong hininga si Papa bago muling nagsalita. "Yung kababata mo ba alam niya?"

Tumango ako. "Opo."

"Eh parang hindi naman yata tama yun anak? Yung boypren mo walang alam tapos yung kababata mo alam niya---"

"Pa, narinig niya lang po sa ospital ang tungkol sa sakit ko kaya niya nalaman." Pagpuputol ko sa sinasabi niya.

"Narinig? Aba eh, tsismoso naman pala ng kababata mong iyon at nakikinig sa usapan ng may usapan." Ang Papa ko talaga.

"Pa naman."

"Hay naku Summer. Oh sige na, bumalik ka na sa kwarto mo at magpahinga ka na." Utos niya pero hindi ako tumayo.

Nanatili akong nakaupo sa sofa.

"Summer, ayos ka lang?"

"Pa." Pag uumpisa ko. "Gusto ko pong pumasok."

Napatingin naman siya bigla sakin bago nagsalita. "Anak naman. Diba pinag usapan na natin iyan. At mahigpit na pinagbabawal ng doctor na magpagod ka."

"Hindi naman po ako magpapagod eh. Mag aaral lang po ako."

"Naririnig mo ba yang sinasabi mo?"

"Sige na po, please?" Pagpilit ko hoping na magbago ang isip.

"Hindi. Magpahinga ka na." Sagot niya tapos ay tumayo ito at pumunta na sa kusina.

Hays.

Kinabukasan.

"Nainom ko na po ang gamot ko. Aalis na po ako---"

"Sandali! Ihahatid kita."

"Ah. Haha. Oo nga po pala. Sige po." Sagot ko na dali-daling sumakay sa kotse niya.

Sa wakas. Nakumbinsi ko din ang Papa ko na pansamantalang bumalik ako sa pag-aaral. Yun nga lang, ang dami niya ng ipinagbawal sakin.

Nakiusap din ako sa Papa ko na 'wag ipaalam sa school ang kalagayan ko dahil ayokong kumalat ito at kaawaan ako ng iba.

His Punishment (COMPLETED)Where stories live. Discover now