CHAPTER 2: FIGHTING

1K 67 48
                                    

Hindi naman ako napahiya dahil agad din naman inabot ng papa niya ang kamay ko para makipag kamay.

"Ako ang papa ng anak kong yan Iho. Ngayon lang ata kita nakita dito?" Tanong ng papa niya.

"Ngayon lang po ako dumating eh." Nakangiti ko namang sagot habang nakahawak sa batok.

"Hindi ko akalain na may tinatago palang boyfriend ang anak kong ito...Ang buong akala ko ay babae din ang gusto nito.. Buti nalang pala nagkamali lang ako.." Mahabang paliwanag ng ama niya. Muntik na ako matawa sa huli niyang sinabi. Babae ang gusto? Ibig sabihin tomboy ang anak niya? Crap!

"Iho, wag mong sasaktan ang anak kong ito ha? Mahal na mahal ko to..." Sabi pa nito.

"Ah. Hehehe..." Patay na. "Sige Iho, maiwan ko muna kayo at magbibihis lang ako. Anak paupuin mo muna yang boyfriend mo.." Bilin ng papa niya saka kami iniwan. Tumingin naman ako kay Summer daw na hanggang ngayon ay tulala pa din sa kagwapuhan ko.

"Hoy!" Sigaw ko sa kanya kaya nagulat siya.

"Ay kalabaw!" Tapos ay tumingin siya sakin.

"Ang pogi ko namang kalabaw. Psh!" Proud kong sabi.

"B-Bakit mo s-sinabi sa papa ko yun?" Nabubulol pa din siya. Siguro nabitin siya sa dapat sana kissing scene namin kanina.

"Bakit? Dapat ba sinabi ko nalang na buntis ka at ako ang ama ng ipinagbubuntis mo?" Mapang asar na ngiti ko sa kanya.

"A-anong..."

"Wag kang mag aala, hindi pa naman kita bubuntisin ngayon..."

"Eh ang kapal din naman pala ng mukha mo---" Sasampalin niya sana ako pero mabilis ako kaya nahawakan ko agad ang kamay niya.

"Baka nakakalimutan mong may atraso ka pa sakin? Masama akong mabadtrip alam mo ba yun? Hah?!" Hindi siya sumagot kaya nagsalita ulit ako. "Don't worry, you're not my type. Bibigyan lang kita ng parusa. Parusang sisiguraduhin kong hindi mo makakalimutan." Pagkatapos kong sabihin yun ay agad din akong lumabas ng bahay nila at umalis na.















SUMMER's POV

"Oh anak, nasan na ang boypren mo?" Tanong sakin ng papa ko ng bumalik ito.

"Patay na po."

"ANO???"

"Joke lang. Hehe. Hindi ko po siya boyfriend." Sagot ko.

"Anong hindi boypren? Eh kakasabi lang nung boypren mo na boypren mo siya, panong hindi kayo mag boypren??" Magulong tanong niya.

"Eh basta po. Hindi ko po siya boyfriend."

"Anak ng tomboy ka nga naman ano. Nag away lang kayo hindi mo na agad boypren ang tao? Anak, kung ano man ang pinag awayan niyo, magbati na kayo, 'wag niyo nang pinapatagal yan.. Masaya nga ako na may boypren ka na." Mahabang paliwanag niya. Paano ko sasabihin yung totoo ngayon niyan? Kaasar naman kasi na Xyrus yan.

H'wag na sana magkrus ang landas natin kundi ipapako kita sa krus Xyrus! Argh!


One week later...






*kriiiiing*

"Nak! Bumangon kana diyan at nandito na ang boypren mo." Sigaw ni papa sa labas ng kwarto ko.

"Sige pa, babangon na po.." Pero nakahilata pa din ako. Ang sarap pa matulog.

"Buti naman, mauna na ako sa trabaho ah. Mag enjoy ka anak. Hehehe. Sige alis na ako."

"Opo pa, ingat po kayo." Maya-maya lang ay narinig ko ng umalis yung kotse niya. Pumipikit pikit pa ako pero bigla akong napabangon sa kama nang may maalala.

Ano ulit yung sinabi ni niya?

'Nandito yung boypren mo'

'Nandito yung boypren mo'

'Nandito yung boypren mo'

'Mag enjoy ka anak'

'Mag enjoy ka anak'

'Mag enjoy ka anak'

Paulit ulit na umi-echo sa tenga ko ang sinabing yun ni papa kaya,

"WAAAAAAAAAAH!"

Sana mali lang yung narinig ko. Sana nananaginip lang ako. Sana sana talaga. Huhuhu

*tok! tok! tok!*

"Okay ka lang diyan?" Tanong ng lalaki sa labas ng pinto ng kwarto ko.

Ayan na.

Bakit kailangang guluhin niya pa ako. Ayoko na! Hindi na ako magiging madaldal, pramis!

"Hoy! Tomboy ayos ka lang diyan?" Sigaw niya ulit. Dahil sa sigaw niyang iyon agad akong bumangon sa kama ko tapos binuksan ko ang pinto.

"HINDI AKO TOMBOY!" Sigaw ko sa kanya. Isasara ko na sana ulit ang pinto pero huli na dahil nakapasok na siya sa kwarto ko.
















XYRUS JAVI's POV

"HINDI AKO TOMBOY!" sigaw niya mismo sa mukha ko.

Muntik na ako mahimatay sa baho ng hininga niya. Hindi na nahiya, alam ng kakagising niya pa lang sigawan ba naman ako sa mukha? Kung hindi na sana siya nagsalita baka pwedeng na-inlove na ako sa itsura niya ngayon.

Maganda siya aminado ako, kahit mapuputla ang lips maganda ang kurba nito at maninipis, medyo mahaba ang kaniyang buhok na magulo, halatang kakagising lang, naka t-shirt na malaki saka naka short, naka medyas pa. Parang may sakit lang? Sakit sa utak pwede pa. Haha.

Isinara niya ang pinto matapos niya akong sigawan pero nakahakbang na ako papasok kaya nakapasok ako.

"Papatayin mo ba ako?!" Inis na sigaw ko sa kanya. Halatang nagulat siya sa sigaw ko tapos ay napaharap sakin.

"May tao na bang namatay dahil lang sa sinigawan siya?" Pamimilosopong tanong niya.

"Wala! Pero may mga namatay na dahil sa baho ng hininga! Tabi nga diyan!" Sabay tulak ko sa kanya saka ko ikinalat ang mata ko sa kwarto niya. Babae ba to o ano? Parang babuyan ang itsura ng kwarto. Kung anong ikinaganda ng mukha, yun naman ikinagulo ng kwarto niya na parang tinambayan ng bagyong signal #4.

"Ano ba! Ano ba kasing ginagawa mo dito?!" Sigaw niya sakin na parang hindi man lang nahiya sa sinabi ko. Pero ramdam ko na umuusok na ang ilong niya sa sobrang galit.

"Pwede ba tomboy manahimik ka! Ang baho-baho ng hininga mo, sigaw ka pa ng sigaw! Maligo kana nga muna, hindi kana nahiya, ang lakas ng loob mong lumabas at sigawan ako eh bakat na bakat yang...yang ano yang dalawang bukol sa dibdib mo! Shit! Mag bra ka nga!" Naiilang man, pilit kong isinigaw ang inis ko sabay talikod. Nagsisitayuan ang ano ko sa kanya. Tsk! Ang balahibo.

"Hindi nga sabi ako tomboy!" Sigaw din nito. Hindi ko na alam kung ano ginagawa niya dahil nakatalikod na ako sa kanya. Mahirap na, baka saniban ako ng masamang espiritu pag nagkataon.

"Eh 'di hindi ka na tomboy kung hindi! Basta maligo ka na! Hintayin kita sa baba. Dalian mo!" Pahabol ko na sabi tapos ay lumabas na ako ng kwarto niya.

















*-Pls vote and comment-* シ

His Punishment (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang