CHAPTER 20: JEALOUS

540 30 1
                                    


XYRUS JAVI's POV

Iniwan ko na muna si Summer sandali para pumunta kay Manang. Naabutan ko naman itong inaayos ang ibang halaman sa garden sa likod.

"Hi po Manang."

Lumingon ito nang marinig ako. "Xyrus Iho?" Nagulat pa siya nang makita ako. Binaba niya muna ang hawak-hawak niyang paso bago lumapit sakin. "Anong ginagawa mo dito? Wala ka bang pasok?"

Napahawak ako sa batok ko. "Ah. Na-late na po kasi kami ng pasok eh."

"Nalate? Eh ang aga mo umalis dito kanina ah. Aba Iho, may dinaanan ka pa ba?"

"Opo. May kasama po pala ako."

"Aba, eh sino? Si Steven ba?" Madalas kasi dito si Steven kaya kilalang kilala na siya ni Manang.

Umiling ako kaya nagtanong siya ulit. "Iyong Cassey ba?" Maging si Cassey ay kilala na rin ni Manang pero sabi niya, malayo daw ang loob niya dito. 'Di ko lang alam kung bakit.

"Hindi po. Mamaya po ipapakilala ko kayo sa kaniya."

"Ganun ba Iho, oh sige."

"Doon lang po muna kami sa kwarto ko."

Tumango naman ito. "Sige Xyrus anak, maghahatid nalang ako ng miryenda niyo doon at tatapusin ko lang ito."

"Opo, Manang."

"Dun na muna tayo sa taas. Nagpahatid na lang ako nang makakain natin kay Manang." Nakangiting sabi ko kay Summer nang makabalik ako sa loob.

"Lah, pano 'to?" Turo niya sa hawak niyang ice cream.

Tumawa naman ako ng konti bago nagsalita. "Eh di dalhin mo." Sus. Para talaga 'tong bata.

Panay pa din ang tingin ko sa kaniya habang naglalakad kami papunta sa kwarto ko. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti lalo na ngayon.

"Hindi ko alam na, hilig mo rin pala yan." Nakangiti pa din ako.

Hindi siya sumagot dahil busy siya sa pagkain ng ice cream niya.

Pero nang makatapat na kami sa pintuan ng kwarto ko ay nagtanong na siya.

"Papasok tayo diyan?" Turo niya pa sa pintuan. Ako naman ang hindi sumagot sa tanong niya.

Pumasok na ako pero napansin kong hindi siya sakin sumunod. Natatakot ba siya?

"Pasok ka." Medyo nag alangan pa siya pero pumasok din siya agad.

Base sa reactions niya, naaamaze siya sa nakikita niya. Baka naman nahiya dahil yung kwarto niya ang kalat? Haha

Oh baka naman iniisip nito na hindi sakin 'tong kwarto?

Aba. "Haha! Kwarto ko 'to, ang linis no? Hindi katulad ng kwarto ng iba diyan..." Sabi ko pero hindi ako nakatingin sa kaniya.

Napansin kong inirapan niya ako. Cute talaga. "Palibhasa mayaman." She murmured pero narinig ko naman.

"Wala sa pagiging mayaman ang pagiging malinis sa loob ng kwarto." Sagot ko habang nakatingin sa labas ng bintana.

Tapos ay lumapit ako sa gitara na nasa tabi ng mga gamit ko. Kinuha ko ito at inayos ayos.

Nagulat ako nung lumapit siya sakin bigla. "Wow! Marunong kang mag gitara?"

Tinignan ko siya ng palihim. "Medyo?"

Naupo siya sa tapat ko. "Ang cool naman! Dali, kantahan mo'ko!" She requested.

I paused for a second while looking at her. "Sigurado ka?"

His Punishment (COMPLETED)Where stories live. Discover now