CHAPTER 27: HEARTBREAK (PART II)

439 21 0
                                    

XYRUS JAVI's POV

Two weeks had past mula nung pumayag ako sa gusto ni Cassey.

She blackmailed me. Kailangan kong gawin ang lahat ng gusto niya sa loob ng isang buwan, or else sasabihin niya kay Summer na ako ang kababata niya.

Lintik na Steven kasi! Ang daldal.

Ayoko mang maging sunod-sunuran kay Cassey, I have no choice. Natatakot akong baka kapag nalaman ni Summer na inilihim ko sa kaniya ang alam ko, baka magalit siya at tuluyan na siyang lumayo sakin. Ayokong mangyari yun.

"Ano Tol? Kailan mo balak sabihin sa girlfriend mo ang totoo?"

"Kay Summer?"

"Gago. Malamang! Sino ba ang girlfriend mo?" Tch.

"Ano namang sasabihin ko?"

"Minsan talaga, hindi ko alam kung bobo ka rin o tanga." Para namang naiiba siya.

Kinalma ko ang sarili ko. "I'm asking you."

"Sabihin mo na kay Summer na ikaw yung uhuging bata na tinulungan niya dati sa Makabebe's Hospital."

"Uhugin mo mukha mo!"

"Hahaha. Pero seryoso Pare, sabihin mo na nga. Tapos pwede bang tigilan mo na ang kakasinungaling mo sa kaniya?" Tiningnan ko lang siya. "Baka pagsisihan mo yan sa huli." Hindi ko alam kung bakit pero parang may iba akong naramdaman sa huli niyang sinabi.

I don't want to hurt her. "Sasabihin ko naman sa kaniya lahat, hindi lang ito ang tamang pagkakataon para malaman niya. At saka, kung hindi ka naging madaldal, wala sanang alam si Cassey ngayon! Eh 'di sana, walang problema."

"Takteng yan. Ako pa talaga ngayon ang may kasalanan?"

"Tch!"

"So what kung sabihin niya kay Summer ang totoo? Ayaw mo nun, mas magiging malapit kayo sa isa't-isa. Mag-isip ka nga."

"Naghihintay pa nga ako ng tamang panahon. Ayoko siyang biglain."

"Wew! Kailan pa kaya yung tamang panahon na yan." Magsasalita na sana ako pero nagsalita siya ulit. "Tigilan mo na yang si Cassey kung ayaw mong makaabot pa yang mga pinaggagagawa mo sa girlfriend mo."

Dalawang linggo na lang. "Pagkatapos ng dalawang linggo, babawi ako kay Summer." Two weeks ko na lang kailangang maging sunod-sunuran sa utos ni Cassey.

"Wengya. Bahala ka nga. Basta labas ako diyan."

Paano si Cassey?

Let's say na ex ko na lang siya, pero kasi siya ang mas nangangailangan ng tulong ngayon. Kahit na blinackmail niya ako, I understand na ginawa niya lang yun para may mag alaga sa kaniya habang nandito pa siya sa Pinas. Next month kasi babalik na siya ng States para magpagamot doon kasama ang family niya.

About Summer, I love her, really. At mabait siyang tao kaya alam ko na maiintindihan niya ako sakaling sabihin ko na sa kaniya ang totoo.

"Ayan na pala si Summer." Napatingin ako kay Steven at tumingin sa direksiyon na tinitingnan niya. "Bakit lalo yata siyang pumapayat?"

Tiningnan ko si Steven dahil sa sinabi niya, bago muling tiningnan ang naglalakad na si Summer.

He's right.

Bakit parang pumayat talaga ang girlfriend ko?

Lately, lagi rin siyang may suot na jacket.

His Punishment (COMPLETED)Where stories live. Discover now