CHAPTER 29: DYING

576 19 1
                                    

LYLE ASHTON's POV

Kanina ko pa hinihintay si Summer na lumabas ng school nila.

Gusto ko na sabihin sa kaniya lahat. Alam kong mali na pinaabot ko pa sa time na ito bago ko sabihin sa kaniya ang totoo but it's already happened kaya wala na akong magagawa pa.

Kahit sa sandaling panahon ko lamang siya nakilala, I can say na mabait siyang tao kaya wala dapat akong maging rason para lokohin siya.

Aalis na sana ako pero sakto namang nakita ko si Valderama na lumabas.

Sa pagkakaalam ko, siya yung boyfriend ni Summer.

Teka, hindi niya kasama si Summer?

Hindi kaya, absent si Summer ngayon?

But, that's impossible.

Naghintay pa ako ng ilang minuto at nakaupo lang sa loob ng kotse ko nang mapansin kong may payat na babaeng mag-isang naglalakad palabas ng main gate.

Is that Summer?

Pinagmasdan ko muna siya na tuluyang makalabas sa gate bago ko siya lapitan.

Dang!

Ang payat niya na.

And she also looked so pale.

Nasaan na kaya si Tito?

Don't tell me, wala siyang sundo?

Tss.

Lumapit na ako sa kaniya habang siya ay nakatalikod lang sakin na naglalakad.

"Summer..." Pagtawag ko sa kaniya pero hindi siya lumingon kaya inulit ko ulit.

"Summer." This time sumabay na ako sa paglalakad niya. Huminto siya saglit tapos ay tiningnan ako.

I smiled but deep inside, kinakabahan ako. "L-Lyle..."

"C-Can we talk?" I asked nervously. Hindi siya sumagot. Wala siyang naging reactions. Nakatitig lang siya sakin.

This is awkward!

Nauna akong maglakad habang nakasunod lang siya sakin.

I don't think I can make it.

But I need to.

I need to be honest with her.

No matter what happens, I need to do this.

"L-Lyle..." I stunned after hearing her voice. "I-Ikaw ang kababata ko, 'd-diba?"

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko! She already knew?

Humarap ako sa kaniya at nagtama ang mga mata namin.

Iba't-ibang emotions ang nababasa ko sa mga mata niya.

Lungkot, galit at iba pa. I didn't expect this.

Yumuko ako sa harap niya dahil magkatapat na kami. "I'm sorry."

"B-Bakit ka nag-sosorry? Haha. W-Wala ka naman sigurong kasalanan sakin 'diba?" Shet! I don't know what to do!

I take a deep breath bago nagsalita. "Summer. I-I want to be honest with you."

Nagkunot ang kilay niya. "A-Anong? Haha. A-Ano bang sinasabi mo?"

Umiling ako. "H-Hindi ako..." I paused for a second. Nakailang lunok pa ako bago magsalita ulit. "I'm not that kid na tinulungan mo before. I'm sorry. H-Hindi ko ginusto na lokohin ka."

His Punishment (COMPLETED)Where stories live. Discover now