CHAPTER 8: WRONG MOVE

793 44 1
                                    


Nagmumukha na akong tanga dito pero okay lang, basta para sayo Awawa ko maghihintay ako.

"Omyg! Si Ex oh."

"Waaah! Hi ex!"

"Ex, good morning!"

"Look girls, he's so gwapo talaga!"

Iilan lang yan sa bulungan ng mga babaeng nakikita ako habang papasok sila sa school.

"Tabi nga diyan girls. Ehem, Hi Ex." sabi naman ng isang lumapit pa talaga sakin para magpapansin. Binigyan ko lang siya ng isang tipid na ngiti.

Hindi ko kayo kailangan, tss. Si Summer lang sapat na sakin.

'Lintik naman! Nasan na ba ang babaeng yun?' Paghihimutok ko habang sinisipa-sipa ang maliliit na bato sa baba.

Nasa ganun akong posisyon nang may makita akong pamilyar na babae na naglalakad na parang wala sa sarili.

Naglakad ako sinundan ko siya.

'Ano ba namang babae to, hindi man lang napansin presensiya ko. Tss.' Inis na reklamo ko sa isip ko.

"Psst!" Dedma.

"Hoy!" Dedma again.

"Hoy, ano ba?!" Pasigaw na ako magsalita pero mukhang wala yatang balak lumingon ang babaeng 'to.

"My Girl!" Sigaw ko pa.

'Lumingon ka please. Lumingon ka.' Hiling ko sa isip ko.

Mukhang hindi naman ako nabigo dahil napahinto siya sa paglalakad tapos ay tumingin sa likod.

Yieee.

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti.

"Anyare sa'yo?!" Kunot noo niyang tanong.

Ang cute niya talaga kahit nagsusungit siya. Hehehe

"Kung hindi pa kita tawaging My Girl hindi ka pa lilingon. Crush mo na ako, noh?" Abot tengang ngiti ko. Hindi ko talaga mapigilang hindi mapangiti lalo na nang tinawag ko siyang My Girl tapos napalingon siya. Hays. May sarili yatang utak itong bibig ko at automatic na  napapangiti kapag siya na ang kaharap ko.

"Hoy! Wag kang assuming!" Sigaw niya tapos ay bigla akong lumapit at humarap sa kanya.

Tae. Amoy chewing gum?

Hahaha! Okay lang yan, ang bango naman. Weird talaga 'tong babaeng mahal ko.

"Naks! Ang bango na ng hininga ah! Hahaha!" Nakatawang sabi ko.

"Yak Xyrus! Ano ba? Bakit nilanghap mo ang hininga ko ha? Adik ka na ba?!" Napansin niya pa yun?

"Anong sabi mo? Nilanghap? Anak ka ng tomboy talaga no? Ikaw ang assuming! Sinong gustong makalanghap ng bibig mong amoy chewing gum?!" Sigaw ko.

Sorry Summer, kailangan kong inisin ka para huwag lumaki ang ulo mo kapag nalaman mong may gusto ako sa'yo.

"Eh paano mo nalaman na amoy chewing gum kung hindi mo inamoy? Aber?" Paano nga ba? Eh inamoy ko nga talaga kasi. Tsk!

"Hay naku Awa--Summer.. Summer, magkaiba ang inamoy sa naamoy okay? Okay? Ang laki kasi ng bunganga mo kaya ko NAAMOY! Wag kang feeling." Sigaw ko.

Muntik ko na siyang matawag na awawa. Damn! Buti na lang parang hindi niya nahalata.

Mag ingat ka kasi Xyrus!

His Punishment (COMPLETED)Where stories live. Discover now