CHAPTER 17: POSSESSIVE

717 30 0
                                    

XYRUS JAVI's POV

Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock ko.

'Argh! My head sucks!' Reklamo ko habang sapo ko ang sintido ko.

Sandali muna akong nanatiling nakahiga bago napagpasyahang bumangon at maligo.

Pagbaba ko sa hagdan, nakita ko naman ang kapatid kong tumatakbo pababa na parang may hinahabol.

"Hey! Watch out kiddo." wika ko. Tinapunan niya lang ako ng tingin tapos ay tuluyan ng umalis.

"Hi Manang." Bati ko sa kaniya na naabutang kong naghahanda sa kusina.

"Buti naman at nagising ka sa tamang oras Iho, uminom ka muna ng mainit na tubig para mawala yang sakit ng ulo mo." Sabi niya sabay abot sakin ng baso na may lamang black coffee.

Huh?

Napailing ako sa sinabi niya.

"Po? Wala po akong sinabing masakit ang ulo ko." Sabi ko na nagtataka sabay kuha ng baso na bigay niya.

Sumasakit nga ang ulo ko pero hindi naman ako nagreklamo para malaman niya. May lahi na bang manghuhula si Manang ngayon?

Ngumiti lang ito. "Lahat ng umiinom, sumasakit ang ulo pagkagising. Hala sige inumin mo na yan nang makakain ka na din."

Lagot!

Manghuhula nga si Manang! "P-Paano niyo po nalaman na uminom ako kagabi?" Naguguluhang tanong ko.

Tiningnan niya lang ako sandali bago nagsalita. "Sinabi mo sa 'kin. Nagkwento ka pa nga ng kung anu-ano. Hay naku na bata ka, hindi mo na maalala ano?" Natatawang wika niya.

Nagkwento ng kung anu-ano? Like ano naman kaya? Lintik na! Bakit wala akong matandaan?

"Maupo ka na dito."

Naupo naman ako at kumain ng niluto niyang sinangag.

Pagkatapos kumain, nagpaalam na agad ako na aalis na dahil dadaanan ko pa ang mahal ko.

Pagdating sa bahay nina Summer, bumusina agad ako para malaman niya na dumating na ang gwapo niyang boyfriend.

"Babye Pa, alis na po kami." Narinig kong pagpaalam niya kay Tito.

Sumilip ako para makita sila.

"Tito, good morning po." Nakangiti kong bati habang nakadungaw lang sa kanila. Tumango lang ito tapos ay kumaway kay Summer.

Nang makasakay na si Summer sa kotse ay pinaandar ko na ito agad.

"Good morning Xy." Nakangiting bati sakin ni Summer habang nasa byahe kami.

Nabigla ako sa sinabi niya. Hindi ko pa pala siya nababati. Amputs. Nakakahiya!

"Hi. G-Good morning." Lintik! Bakit nauutal na naman ako. Tch

Ano ba kasi ang dapat kong gawin para hindi na nauutal kapag kausap ko siya, lalo na kapag tinititigan niya ako? Takte

"Pasensya ka na kagabi ah, yung nainom mong beer  malakas pala ang dosage nun kaya siguro mabilis kang tinamaan kagabi." Mahinahon niyang sabi.

'Tinamaan? Hindi na kailangan ng beer para tamaan, dahil unang kita ko palang sa'yo tinamaan na ako.' I wanted to add that kaso baka pagtawanan niya lang ako.

Ganun ba yun? "Ah. Kaya pala. Hehe." Nasabi ko na lang.

"Kamusta ka? Sumakit ba ang ulo mo?" May pag-aalalang tanong niya, muntik niya pa akong hawakan sa ulo ko pero agad ko itong iniwas. Shit!

His Punishment (COMPLETED)Where stories live. Discover now