CHAPTER 27: HEARTBREAK (PART I)

461 23 0
                                    

SUMMER's POV

Pinipigilan kong hindi maluha habang kasama ko si Steven kanina.

Bakit nasasaktan ako?

Bakit pakiramdam ko may tinatago sakin si Xyrus?

Bakit ganun.

Alam na kaya niya na may sakit ako kaya ganun na lang ang pag-iwas niya sakin?

'Wag niyang sabihin na may biglaan na naman siyang lakad kaya hindi niya na naman ako naihatid?

Eh 'di dapat sana tinawagan niya man lang muna ako.

Ang engot ko din kasi!

Dapat pala tinanong ko na lang si Steven kung bakit hindi ako maihatid ni Xyrus.

Hays.

Kinuha ko ang cellphone ko sa loob ng bag ko para tingnan kung tumawag o nag-text siya pero dismayado ako nung makitang walang text galing sa kaniya.

Baka walang load?

Pero imposible naman yun. Nabanggit niya sakin dati na hindi siya nawawalan ng load kaya imposible talaga.

Nag-oover think na naman ako!

Hays.

Naglakad-lakad muna ako habang wala pang dumadaan na taxi.

Sakto naman na may nakita akong E-Load station kaya nagpaload na din ako.

Mabilis kong idinial ang number ni Xyrus pagkatapos kong makapagload.

"The number you have dialed is out of coverage area, please try your call later..."

Ilang beses ko pa siyang tinawagan pero paulit-ulit lang ang naririnig ko.

Walang gana kong ibinalik ang cellphone ko sa loob ng bag ko pagkatapos kong marinig ang sinabi ng operator.

Bakit hindi ko siya makontak?

Nakakailang buntong hininga muna ako bago napagpasyahang mag-abang na ng sasakyan pauwi.

Pero bigla akong nakaramdam ng kakaibang kaba pagkatapos kong makita kung sino ang nasa loob ng kotseng pula na kadaraan lang sa harapan ko.

"S-si Xyrus ba ang nakita ko?" Naguguluhang tanong ko mismo sa sarili ko. "K-Kasama niya si Cassey..." Dugtong ko pa.











MR. ORDOÑES POV

Hindi ako mapakali mula nung dumating ako dito sa bahay galing sa opisina ni Dr. Guerera.

Hindi rin ako makapag-isip ng matino dahil sa mga nalaman ko.

Nasa ganoon akong sitwasyon nang may narinig akong nagbukas ng gate.

Mabilis akong lumabas para tingnan kung ang anak ko na ba ang dumating o hindi pa.

"Summer." Nasambit ko agad nang makita ko siya na naglalakad papasok. Yayakapin ko na sana siya kaso napatigil ako bigla nang dinaanan niya lang ako.

Tila hindi niya ako nakita at parang ang lalim ng iniisip niya habang dire-diretsong papasok sa bahay.

"Anak..." Tinawag ko siya sa pag-aakalang lilingon siya sakin pero tulala lang ito at hindi ako pinapansin.

May problema na naman ba siya na hindi sa akin sinasabi?

Alam kong may nangyari na naman, dahil hindi magiging ganito ang anak ko kung wala.

Nadadalas na rin ang pag-uwi niya ng tahimik at parang laging ang lalim ang iniisip.

"Summer, 'nak."

His Punishment (COMPLETED)Where stories live. Discover now