CHAPTER 10: XYRUS VS. LYLE ASHTON

704 33 0
                                    

XYRUS JAVI's POV

"Oh Iho, nandiyan ka na pala. Sandali at ipaghahanda kita ng miryenda." Salubong sakin ni Manang nang makauwi ako sa bahay. I just nodded. Ilang minuto lang bumalik na siya na may dalang tray ng pagkain.

"Ang tamlay mo yata Iho anak, heto oh kumain ka muna."

"Salamat po. Kamusta na po pala yung apo ninyo? Nakalabas na po ba?"

"Iyon na nga eh. Hindi pa rin siya nakakalabas hanggang ngayon. Hindi mawala-wala ang lagnat niya." Malungkot na paliwanag ni Manang.

"Ganun po ba? Hayaan niyo po Manang sa susunod na pagbisita mo doon, sasama ako sa'yo para makamusta ko naman siya. Makakalabas din po siya. Tiwala lang po." Pagpapalakas ko ng loob sa kanya.

Hindi na iba si Manang sa amin dahil simula pagkabata ko pa lang, katiwala na siya nina Mommy. Nakita ko naman na napangiti siya sa sinabi ko.

"Pagkatapos mo diyan magpahinga kana muna sa kwarto mo, tatawagin na lang kita para sa hapunan."

"Opo. Si Xander po pala?" Biglang natanong ko dahil napansin kong tahimik ang bahay.

Usually kasi, maingay sa kwarto niya kapag nandito yun o kaya naman ay makalat dito sa labas.

"Ayun umalis, gagawa daw ng group projects sa bahay ng classmate niya. Nagbilin na din ako sa driver na sunduin na siya." Sagot niya habang nililigpit ang pinagkainan ko.

Sabi ko na nga ba.

"Sige po, akyat na po muna ako." Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya kaya umakyat na agad ako.

Pagdating sa kwarto ko agad kong ibinagsak ang katawan ko sa malambot kong kama.

'Summer..' Usal ko habang nakatitig lang sa kisame.

Tumayo ako para kunin yung I.D niya sa drawer ko.

'Bakit ang cute mo? Hays. Gusto kitang makita. I missed you already.' Nakaugalian ko nang kausapin ang picture niya sa tuwing malungkot o masaya ako.

'Kung pupuntahan kita, kakausapin mo kaya ako o iiwasan mo lang ako?' Wala sa sariling tanong ko.

"Sige na nga, pupuntahan kita. Hintayin mo ako ah?" Pagkausap ko sa I.D niya.

Mabilis akong naligo habang pasipol-sipol pa sa banyo.

"Manang, alis lang po ako ah, babay..."

"Teka Iho---" Hindi ko na narinig pa ang sinasabi niya dahil dali dali na akong umalis nang bahay.

Agad akong bumaba sa kotse ko nang makarating na ako sa bahay ni Summer.

"Xyrus?"

"Ah. Hehehe. Hello po." Nahihiyang bati ko sa papa ni Summer.

"Bakit ginabi yata kayo--- Teka, nasan si Summy??" Nagtatakang tanong niya.

Huh? Bakit sakin niya hinahanap ang anak niya?

"P-Po?"

"Bakit hindi mo kasama ang anak ko?" Naguluhan naman ako sa tanong niya.

"Eh? Hindi ko po siya kasama. Pinuntahan ko nga po siya sa classroom niya para ihatid kaso umuwi na daw po sabi ng classmate niya." Diretsong sagot ko.

"Anak ng! Sige pasok ka muna. Saan naman kaya nagsisisuot ang batang iyon? Xyrus maupo kana muna diyan baka mamaya nandito na iyon." Tumango lang ako sakanya at umupo sa malambot na sofa habang umalis muna sandali ang papa niya.

His Punishment (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora