CHAPTER 26: BLACKMAIL

460 22 2
                                    

XYRUS JAVI's POV

"Why are you so matagal Babe?" Bungad sakin ni Cassey nang pagbuksan niya ako ng pinto. Dito na ako dumiretso sa kaniya pagkatapos ng klase ko para makauwi ako agad at mabalikan si Summer.

"Akala ko..." Napatigil ako sa pagsasalita at tiningnan ang itsura niya. "Akala ko magpapacheck up ka?" Bakit ganiyan ang suot niya? Kung makabihis parang walang sakit. Tsk

"Uhm, yeah? But..."

"But?"

"Pwede bang pumasok ka muna? Let's just talk about it inside." Sabi niya pagkatapos niya akong halikan sa pisngi.

Sumunod naman ako sa kaniya sa loob. Maganda, malinis at malaki ang condo niya. Halatang babae ang nakatira dahil sa matapang nitong pabango.

"Upo ka muna, kukuha lang ako ng juice mo." Aalis na sana siya papunta sa kitchen pero pinigilan ko na siya.

"Don't mind me. Now, tell me. Bakit ganiyan ang suot mo? Akala ko magpapacheck up ka ngayon?"

Tumabi siya sakin sa sofa kung saan ako nakaupo. "Tumawag kasi ang doctor ko, he said na may biglaan siyang pupuntahan, kaya next time na lang daw."

Biglaang pupuntahan? Meaning, hindi tuloy? "Shit naman Cassey! Ilang beses mo akong tinawagan kanina to remind me na may check up ka tapos hindi naman pala matutuloy?!"

"Why are you mad na?"

Magtatanong pa. Sinong hindi magagalit sa sinabi niya. "Nagmadali pa naman akong puntahan ka para---"

Pinutol niya ang sasabihin ko nang bigla niya akong nilapitan. "You mean, you care for me that much?" She said na parang nang-aakit.

Lul.

Nagmadali akong pumunta dito para mabalikan ko agad si Summer.

Umiwas ako ng bahagya sa kaniya. "Don't get me wrong Cassey..."

"I know naman na you still love me eh." Sabi niya pa na nilagay pa ang isang daliri sa lips ko.

Umatras ako ng konti. "Kung hindi ka naman pala magpapacheck up, aalis na ako."

Para naman siyang nataranta sa sinabi ko kaya inayos niya ang sarili niya. "No."

Nagsalubong ang kilay ko. "Bakit na naman?"

"Stay with me, please."

"What?!"

"I'm starving kasi eh." Sabay hawak niya sa tiyan niya na parang nagugutom.

Nasapo ko na lang ang noo ko. "Magpaluto ka na lang sa kasama mo." Referring to her maid.

"Wala. I mean, wala akong maid dito."

Mayamang tao walang maid. "Bakit?"

"I don't know. Basta lumayas na lang bigla."

"Are you telling me na mag-isa ka lang dito sa condo mo?"

She nodded.

"Bakit hindi ka na lang kasi bumalik sa States, nandun ang family mo. Mas maaalagaan ka nila doon, kaysa dito na mag isa ka lang." Sino bang matino ang isip na gugustuhing mag-isa samantalang may sakit na.

"Kasama naman kita."

"Cassey look, ipapaalala ko lang sa'yo na may girlfriend na ako okay at hindi ikaw yun." Baka nakakalimot siya. Hindi na siya ang priority ko ngayon.

His Punishment (COMPLETED)Where stories live. Discover now