CHAPTER 24: GETTING WORSE

527 25 1
                                    

SUMMER's POV

Finally, nasabi ko na sa kaniya ang nararamdaman ko.

Kahit hindi niya sinabing mahal niya rin ako, nararamdaman ko naman dahil sa mga efforts niya. Sapat na yun para isipin ko na parehas kami ng nararamdaman sa isa't-isa.

Nakangiti akong natulog kinagabihan at nakangiti rin akong nagising pero napalitan agad iyon dahil sa nakita ko.

Mga pasa sa katawan.

Dumarami ito at alam kong hindi na ito normal. Natatakot pa rin ako. Habang dumadaan ang araw, pakiramdam ko lalo akong nanghihina. Pero hindi pwede. Kailangan kong lumaban para sa Papa ko. Para sa mga kaibigan ko. Para sa sarili ko, at lalo na para kay Xyrus.

Kaya kahit nilalamig, pinilit ko pa ring maligo. Nilalagyan ko na lang ulit ng conceiler ang mga pasa sa katawan ko para matakpan ito at hindi makita.

Sakto lang ang pagbaba ko dahil narinig ko agad ang pag busina ng kotse ni Xyrus.

"Nandito na po si Xyrus, Pa. Alis na po kami."

"Ingat kayo anak." Sagot naman niya sabay halik sa noo ko.

"Hi My Girl, magandang umaga sa'yo." Bungad sakin ni Xyrus nang makita akong papalapit sa kotse niya. Lumapit rin siya sakin sabay halik sa pisngi ko na talagang ikinagulat ko. "Sorry, hindi ko lang napigilan. Ang ganda kasi ng girlfriend ko." Sabay ngiti niya ng nakakaloko.

Hinampas ko naman siya ng mahina sa braso niya. "Ikaw ah. Malalagot ka kay Papa kapag nakita ka niyang ginawa mo ulit yun." Pagbabanta ko.

"Haha. Edi hindi tayo magpapakita sa kaniya kapag hahalikan kita."

"Hoy Xyrus ah. Umayos ka nga."

"Hahaha. Biro lang. Tara na?" Inalalayan niya akong pumasok sa kotse niya tapos ay sabay na kaming pumasok.

Naglakad kami papasok sa campus na magkahawak kamay. Pasimple naman akong nangingiti. Pinagtitinginan na rin kami ng mga estudyante pero katulad ni Xyrus, wala rin akong pakialam sa kanila. Basta masaya ako ngayon, 'yon ang mahalaga.

Nang makarating na kami sa tapat ng classroom ko ay huminto na kami. "Susunduin kita mamaya okay?"

"Sige." Sabi ko habang nakangiti sabay bitaw ko sa kamay niya.

"Sige. Hehe."

"Sige na." Pagtataboy ko sa kaniya. Para kasing wala pang balak umalis.

"Pwedeng pakiss?" Nanlaki ang mata ko sa pahabol na sinabi niya.

"Woi. Nakakarami ka na ah!"

"Sabi ko nga hindi pwede." Nagkamot pa siya sa ulo. "Sige My Girl, kita nalang tayo mamaya." Tumango naman ako.

"Mamaya ah? Huwag kang aalis hanggang wala ako." Seryoso ba siya? Natawa na lang ako.

"Oo na. Sige alis na at baka malate ka pa." Tumalikod na siya sakin pero panay pa rin ang lingon kaya hindi ko mapigilang hindi mapangiti.

"Don't trust too much, don't love too much, don't care too much because that 'too much' will hurt you so much." Napalingon ako sa likod ko. "Hi Summer."

Si Red pala. "Oy Pula. Anong sinasabi mo diyan? Okay ka lang?" Haha. Nagsasalita na naman mag-isa.

"Yeah. Masaya ako na makita kang masaya, 'wag ka lang masyadong magtitiwala sa ipinapakitang kabutihan sa'yo ng ibang tao, para sa huli hindi ka masaktan ng sobra." Makahulugang sabi niya. Sasagutin ko sana siya kaso dumating na ang subject teacher namin kaya naupo na lang ako.

His Punishment (COMPLETED)Where stories live. Discover now