Zero

1.8K 73 29
                                    

JESSICA

I still remember that day. Ramdam ko pa rin kung ano nga ba ang pakiramdam na tumapak sa lugar na iyon. It was scary-- for a teenager na tulad ko noon; nakakatakot ang pagbabago. Panibagong tirahan, panibagong buhay, panibagong pakikisama at saktong tutungtong din ako ng kolehiyo noon.

Nothing special. Just me, still a kid... hindi pa alam kung gaano kalawak ang mundo.

"Welcome dito sa Fifth."  Those words. I still remember it.

But I didn't say anything. Nanatili akong tahimik habang ang paningin ko ay inililibot ko sa buong paligid. 

Kulay kahel ang kalangitan. Malamig din ang simoy ng hangin at sapat na iyon para pataasin ang mga balahibo sa magkabila kong braso. There's something about this place... na sobrang pamilyar. Yeah, naaalala ko noong bata pa ako, palagi kaming pumapasyal dito-- pero--

Yup. Walang nagbago sa Fifth. Ang gaganda pa rin ng mga kabahayan dito na tila ba walang nakatira. Mukhang mga mansyon na ang silbi lang ay maging palamuti sa paningin ng mga dadaan. At oo, walang nagbago rito... napapalibutan pa rin kami ng sementeryo.

"So... napapalibutan tayo ng La Clarita, tama ba?" tanong ko kay Tita Cora.

"Ah... Oo," sagot niya saka tumikhim at nag-iwas ng tingin sa akin. "Ipapasok ko na muna ang mga gamit mo sa loob."

Hindi na ako umangal pa. Tumango lamang ako at humakbang ng ilang beses palayo sa sasakyan.

Ayokong ginagalaw ang mga gamit ko. Pero hindi ako makakaangal kapag si Tita Cora na ang nagsalita. Mapilit siya at baka mas lalo lang akong aayaw sa lugar na 'to—sa puder niya.

Tumayo ako sa gitna ng daan. Masasabi kong malinis ang lugar na 'to. Ang tanging makikitang kalat sa lapag ay mga tuyong mga dahon na hindi pa nawawalis.

"Ma..." bulong ko sa hangin. "Ayoko sa ganitong lugar..." Tinitigan ko ang mahabang kalsada at ang papalubog na araw sa dulo nito.

Napa-pikit ako at napa=buntong-hininga. "Ayoko rito."

***************

Apat na kuwarto, dalawang banyo, kusina at sala. Hindi na masama kung tutuusin. Kapansin-pansin ang kalinisan at ang pagiging organisado ng mga gamit nila tita.

At... masarap din siyang magluto. Parang... Parang luto lang din ni mama.

"Jessica, kumuha ka pa. Alam kong napagod sa byahe na 'tin kanina."

Muli ay hindi ako sumagot. Hinayaan kong lamunin kami ng katahimikan habang kumakain. Ramdam ko ang pagsulyap niya sa akin. Mukhang gusto niya akong kausapin pero hindi niya magawa.

Alam niya naman na ayaw ko rito. Wala lang akong choice dahil wala akong matitirahan. Kakalibing lang ni mama kahapon kaya mahirap pa sa loob ko ang mga biglaang pagbabago sa buhay ko.

"Gusto mong humanap ng trabaho, 'di ba?"

Natigilan ako nang magsalita muli si Tita Cora. 

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Opo. 'Yung mga naiwang utang kasi ni mama, kailangan kong mabayaran."

Tumango siya at tipid na ngumiti. "Since ayaw mong ako ang magbayad sa mga naiwan ng kapatid ko, may alam akong convenience store na pupwede mong apply-an. Gusto ko lang sabihin sa'yo 'to, pero nirerekomenda kong huwag kang papasok doon."

Oh.

Napakamot ako sa 'king pisngi. "Saan po banda?"

"Ahm, medyo malayo pero dito pa rin sa Fifth. Ewan ko lang kung magugustuhan mo ro'n kasi isolated ang lugar na kinatitirikan ng store. Pero mas magandang... huwag ka na roon." Kinuha niya ang baso sa lamesa at uminom ng kaunting tubig. Inilapag niya muli ang baso sa lamesa at tipid ang ngiting tinitigan niya muli ako—ngiting nag-aalala. "There's nothing there but woods, hija. Nasa gitna ka ng kawalan. Ang available lang daw ngayon ay ang pang-night shift. Ikaw lang ang mag-isa at delikad—"

[ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ]  Cold NightsWhere stories live. Discover now