Twenty-Two

482 40 18
                                    

JESSICA

It was not a good experience. Hindi pa ako patay pero pakiramdam ko, nasusunog na ako sa impyerno.

Ang salamin ko? Yes, hati sa gitna. Kumuha lang ako ng maliit na tape para pagdikitin sila. And yes again, pumunta ako sa trabaho na ganito ang salamin ko. Buti nalang at hindi siya napapansin magmumukha ako lalong tanga.

Wala sa sariling binuksan ko ang pinto ng apartment. Matapos kong iwan ang sapatos ko ay tahimik akong naglakad, wala sa sarili.

Hindi ako fan ng Japan. I don't watch animé. What the hell am I doing here in the first place? Given kay Adolf, dahil talagang dati pa niya gustong lumipat ng Japan—pero ako? I don't know. Maganda rito. Malinis at well-mannered ang mga tao. It's just...

Argh. Fine. Nagsisisi ako sa desisyon ko. Naho-home sick ako. Wala namang issue dito, at mas lalo namang okay sa trabaho kanina. Kabisado ko na ang papunta sa Higashikojiya at pabalik rito sa Nishikojiya. At ang mga katrabaho ko, nagsasalita sila ng English. Hindi ako ganoong nahihirapan, but still, may training pa rin ako—Japanese language, exactly.

"You still alive?"

Hindi na ako nagulat nang makita ko siya. Naka-salamin siya ngayon at nakatutok siya sa laptop niyang mas mahal pa yata sa buhay ko.

Tinitigan ko siya mula sa pwesto ko.

Matalino ang isang ito. Alam kong fluent na siyang mag-Japanese ngayon. Tulad nalang noong nakita niya ako, may sinabi siya na hindi ko maintindihan.

"What?" kunot-noong sita niya sa akin. "You're in love again?"

Inirapan ko siya. "Akala ko naging matured ka na after so many years. Hitsura mo lang pala ang nag-evolve."

Pabagsak akong humiga sa kama ko. Hindi ko na hinubad ang makapal kong jacket. Man, nagsimula nang mag-winter. February kasi. Ang akala ko noon, mag-eenjoy ako sa winter. Pero sobrang lamig pala, jusko.

"What do you mean by that? Anong hitsura lang ang nag-evolve sa 'kin?"

Argh, come on. I need sleep.

"At naging madaldal ka rin," puna ko sa kaniya, "I need you to shut the fuck up, Adolf. Inaantok ako."

Laking pasalamat ko nang tumahimik nga siya. Dumapa ako at yumakap sa unan. Ah... Heaven.

Bukod kasi sa maganda ang apartment na ito at talagang bongga, paborito ko rin ang kama nila. Malambot at kumportableng higaan. Ang problema ko lang naman ay walang kuwarto. Halos magkadikit lang ang dalawang kama.

Napadilat ako nang makarinig ako ng mahinang tugtog.

Galing yata sa laptop ni Adolf.

I want to ignore it, pero parang pamilyar sa akin. The nostalgia, men. Ano bang kanta iyon?

Bahagya akong napabangon. Nilingon ko si Adolf na bahagyang napapa-head bop habang tumitipa siya sa keyboard.

Japanese song.

Hindi ako nakikinig ng J-Pop.

"Anong kanta 'yan?" tanong ko sa kaniya.

Napatigil siya at napasulyap sa akin. Maliit siyang ngumiti sa akin. Agad akong napaiwas ng tingin sa kaniya dahil sa ngiti niyang iyon.

"Sekai ga owaru made wa," sagot niya. "Why?"

"Ah... ano..." Umupo ako at hinubad ang jacket ko. "Parang alam ko kasi 'yung kanta..."

"Slam Dunk, Jessica."

Ah!

Oo, naaalala ko na!

[ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ]  Cold NightsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora