Seventeen

426 37 10
                                    

JESSICA

"Ano ba 'yan!" asar na singhal ko kay Adolf.

Kanina pa siya walang pakialam sa akin, malas lang dahil nasa kabilang dingding siya, hindi ko siya masasapok.

Saka, umalis na rin talaga ako doon sa store dahil nagalit si tita. Hehe. Ewan ko kung anong trip ni Adolf at pati siya, umalis na rin.

"Bakit ba kasi ayaw mong pumunta? Sige na kasi, para may kasama ako."

"Ang dami-daming lalaki na mag-aaya sa 'yo. 'Wag mo sabihing patay na patay ka talaga sa 'kin?" iritableng tanong niya, nadinig ko pa ang bahagyang paglalaro niya sa strum ng kaniyang gitara.

"Ayoko nga kasi sa iba!"

Inis na hinubad ko ang uniporme ko. Wala kasi siyang pasok ngayon kaya wala akong kasabay na pumasok at umuwi. Wala akong mapagtripan.

"Si Torres, puntahan mo. Pakialam ko ba kung may kasama ka o wala," pabalang na sagot niya sa akin.

"Ang sama mo talaga," pagsuko ko. Humiga ako sa kama ko na naka-bra at panty lang. Napapikit ako nang maramdaman ko ang pagod.

"Ikaw nga ang inaaya ko kasi ayoko kasama 'yung mga hindi ko kilala."

"Edi 'wag ka nalang din pumunta. Dito nalang tayo sumayaw," aniya.

Napataas ako ng kilay. Nagawi tuloy ang paningin ko sa dingding.

"Ano kamo?"

Wala nang sumagot mula sa kabila. Tumagilid ako ng higa paharap sa dingding. Kinumutan ko ang sarili ko at saka ako pumikit.

"Goodnight, Adolf."

Niyakap ko ang unan ko.

Ilang beses nang natulog dito si Adolf, at itong unan ko ang gamit niya. Dumikit na tuloy ang mabango niyang amoy dito.

Dinama ko ang malamig na gabi. Kahit na hindi nakabukas ang aircon ay talagang malamig ngayon. Palagi naman malamig ang gabi rito sa Fifth.

And I like it.

Unti-unti na akong nilamon ng antok matapos ang ilang minuto. Naramdaman ko nalang na may umupo sa likuran ko.

"Why are you sleeping naked?"

I moaned. Humigpit ang pagkakayakap ko sa unan. Tapos no'n ay naramdaman kong tila may humiga sa 'king likuran.

Iyon na lamang ang huli kong naaalala bago ako tuluyang makatulog.

****

"Ah, bawal ang gown o dress na lalagpas sa ibabaw ng tuhod," ulit ni Denise sa sinabi ni prof Georgina.

Nanatili akong nakikinig sa sinasabi ng guro sa harapan namin. Nagdi-discuss siya about sa ball namin. Ang mga dadalo lang ang magbabayad at may dagdag din sa grades.

At, well, required talaga sa aming mga scholar ang pag-attend. No choice. Naisipan ko kasi ang sinabi ni Adolf noong nakaraang gabi na huwag na daw akong um-attend.

Kaso, bawal talaga. Hindi naman ako tulad ni Adolf na may pera kasi sinusuportahan ng mga tita at tito niya na nasa ibang bansa. Ang tatay ko nga ay hindi ko pa nakikita simula nang mamatay si mama. OFW kasi siya, at matagal na silang hiwalay ni mama. Hindi ko rin alam kung papaano ko siya kokontakin dahil hindi ko alam ang cellphone number niya o kahit sana Facebook account manlang.

"Ang inaabangan ko talaga na mag-ayos dito ay si Jessica, eh."

Natigilan ako sa pag-iisip nang magsalita bigla si Jared na nasa tabi lamang ni Denise. Sa tingin ko kasi ay sila na. Palagi kasi silang lumalabas na sila lang dalawa. Palagi pa rin silang nag-aaway, pero hindi na katulad noon na kulang nalang ay patayin ni Denise si Jared.

[ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ]  Cold NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon