Sixteen

452 42 6
                                    


JESSICA

"Ano na naman ba? Bakit nakatingin ka na naman sa akin, ha?" buwisit na tanong ko kay Adolf na salubong ang mga kilay na nakatitig sa akin.

At yes, bumalik ako rito sa pinagta-trabahuan namin ni Adolf. Buti nalang at pumayag si Bossing kasi wala daw talaga siyang taong maila-lagay dito kapag gabi. Pero ngayon, 6:00 PM to 2:00 AM nalang ako. Si Adolf ang maiiwan dito.

"Tinitingnan ko lang kung bakit ka nagustuhan ni Torres," sagot niya habang titig na titig pa rin sa akin.

Sa sobrang inis ko ay sinipa ko ang binti niyang nakapatong sa counter.

"Kung wala kang sasabihing matino, magbasa ka nalang ng libro mo."

"Kasalanan ko bang wala talaga akong makitang kagandahan d'yan sa mukha mo?" bored na sagot niya saka inabot ang libro sa gilid niya saka binuklat iyon.

Napataas ako ng kilay nang makita ko ang title ng binabasa niya:

How To Reject Someone Without Breaking Their Heart

Sinasadya niya ba talagang iyan ang basahin niya? Talaga bang bini-buwisit niya ako kasi alam niyang gusto ko siya?

Grr.

"Nang-aasar ka ba?" tanong ko sa kaniya. Bigla niya akong hinarap. Hindi ko alam kung natatawa ba siya o ano, pero isa lang ang alam ko, sinasadya niya ang pang-aasar sa akin.

Tinaasan niya ako ng kilay, "Inaano kita?"

Tinitigan ko siya ng matalim.

Kalma. Kalma. Kailangan mong kumalma.

Napabuga ako ng hangin, "Ewan ko sa 'yo."

Umiwas ako ng tingin sa kaniya.

Malakas kasi siyang mang-asar. Ang problema lang, ang dali ko ring maasar. Asar-talo ako palagi.

Pero mas mabuti naman ito kesa sa nagkaka-ilang-an kaming dalawa. Sa sobrang dami ng nangyari, hindi ko alam kung papaano kami nananatiling normal. We freakin' kissed. Then bigla siyang naglaslas. Sunod naman ay umamin ako sa kaniya.

Damn. Bakit normal pa rin kaming dalawa? Dapat awkward na kami, hindi ba?

"Oi," tawag niya sa akin.

Nilingon ko siya at tinaasan ng dal'wang kilay, "Bakit?"

"Bakit ka pa bumalik? Siguro dapat umalis ka na rito, nagkakasakit ka na sa pinaggagawa mo."

Ah.

Napaiwas ako muli ng tingin.

Paano ko ba sasabihin sa kaniya na kaya ako bumalik ay dahil nandito siya? Ayoko siyang mag-isa rito kapag gabi at wala manlang kasama.

Kaso aasarin niya na naman ako. Sasabihin niyang patay na patay ako sa kaniya. Tsk.

"Wala akong pera, eh. Bakit ba nangingialam ka?"

"Sus. Ganiyan ka ba kapatay na patay sa akin?"

See? Sabi na at sasabihin niya iyan.

Nilingon ko siya. Nakapatong na muli ang mga paa niya sa counter habang busangot ang pagmumukha niya.

"Look, hindi ako maghahanap ng ibang babae," aniya saka nawala ang pag-busangot niya. Merong something sa mga mata niya ngayon na hindi ko mawari.

"Loyal ako—" Tapos ay ngumisi siya. "—kay Jean."

Nalukot ang mukha ko dahil sa sinabi niya, "'Ngina mo, tapon kita sa Taal, eh."

[ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ]  Cold NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon