Eight

378 36 1
                                    

JESSICA

"Tita..." tawag ko sa kaniya nang bumunga siya sa 'king harapan. Peke akong ngumiti.

"Oh? Bakit parang hindi ka pa natutulog?" pabulong na tanong niya sa akin.

Tumango ako at pekeng tumawa.

It's already 3AM, pero hindi pa rin ako makatulog. Ni kahit ilang minuto manlang ay hindi ako naka-idlip.

"Namamahay po kasi ako, 'ta."

I lied. Again. Hindi ako makatulog dahil sa sinabi ni Adolf. Ayaw niyang makialam ako sa kaniya.

Maybe napasobra yata talaga ako. And I'm sorry, sorry dahil nangialam ako. Sorry dahil mahalaga siya sa akin. Argh, I'm so stupid. Nakakalimutan ko yatang matagal kaming nagkahiwalay. At tama siya, hindi ko naman kilala ang lahat ng tao sa mundo.

Kahit siya, hindi ko kilala.

"Uwi na tayo, 'ta?" Napahikab ako. "Inaantok na talaga ako, eh..."

Tatawa-tawa niya akong inakbayan. Lumabas na ako ng tuluyan at maingat na isinara ang pinto. Nilock ko muna iyon ng maiigi.

At nang makauwi kami, nanatili pa rin akong gising.

Nanatili lamang akong mulat. Nakatitig sa kisame. Masama ang loob ko. Gusto kong umiyak pero hindi ko magawa.

Bakit?

Bakit ganito? Nasasaktan talaga ako, hayup.

Nilingon ko ang dingding sa gilid ko...

Nasa kabilang dingding lang siya at natutulog... buti pa siya. Buti pa siya ay nakatulog na.

****

"R-Really?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Talaga po ba? Tanggap na po ako?"

Ngumiti ang panot na Intsik. Nawala ang mga mata niya dahil sa pag-ngiti niyang iyon. "Oo. Bukas simula ka na pasok. 6PM to 6AM, oki lang ba?"

Tumango ako. "3 days per week lang naman po ang pasok ko. Hindi po hassle, sanay ako sa puyatan."

Napapalakpak siya na parang batang tuwang-tuwa: "Ayos! Maganda 'yan!"

"Salamat po, Mr. Ching." Tumayo ako at ganoon din siya. Nagkamayan kaming dalawa.

"Salamat din," aniya habang nakangiti. Nag-usap pa kami ng saglit, bago ko napag-desiyunang umuwi na para makapag-pahinga.

Ngingiti-ngiti akong lumabas ng convenience store na pinag-apply-an ko. Ito 'yung trabahong sinasabi ni tita Cora noon sa akin. Sinadya ko lamang daanan ito, at tama nga siya, kakahuyan na ang nakapaligid sa amin.

Sinakyan ko ang bisekleta na binigay ni tita, at nagsimula akong magpidal palayo sa store. Hindi mawala-wala ang ngiti ko hanggang sa nakauwi na ako.

"Bakit ka nakangiti? May date ka?" bungad ni tita.

Pabiro ko siyang inismiran. "Natanggap ako, tita. Parehas na tayong night shift kaya..."

Ngumiti siya at agad na dinamba ako ng yakap. "Congrats! At saka..." Humiwalay siya sa akin. "Do you know how to use a gun? I have two. Pang self-defense."

Napanganga ako. "Weh?! Patingin nga po, tita!" excited na sambit ko. Agad na umakyat si tita patungo sa silid niya, at nang bumaba na siya, may dala siyang...

Oh my gulay. Isang revolver!

"Your mom was a police woman. Siya rin ang nagbigay sa akin nito, so, alam kong alam mong gamitin 'to?"

Nahihiya akong tumango.

"Good. Now, itago mo na 'yan. Dalhin mo araw-araw, lalong-lalo na sa trabaho."

[ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ]  Cold NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon