Eighteen

410 39 7
                                    

JESSICA

"Sumama ka na, please?" pagmamakaawa ko kay Adolf.

Bored niya akong tiningnan sabay irap sa akin. "Ang kulit ng lahi mo."

"Sige na kasi? Sabado na bukas, lahat ng course, walang pasok ngayon para makapaghanda. Tapos ikaw ganiyan ka?"

Nakangusong tiningnan ko ang kulay blue na fitted gown. Long sleeves ito na V-back ang likuran. Nah. Ayoko ng blue.

Well, oo. Nasa mall kami. Napilitan lang si Adolf na samahan ako dito kasi ayaw ko siyang tigilan. Saka mag-go-grocery din daw siya kaya nakaladkad ko siya rito.

"Wala akong oras sa mga ganiyan. I'd rather die, Jessica."

Tss.

"Ang daya mo," inis na sambit ko.

May nahagip ang paningin ko sa dulo. Nakasuot ito sa isang mannequin.

Agad na kinuha ko ang kamay ni Adolf at hinila siya palapit sa gawi ng damit.

"Ang ganda, oh!" excited na sambit ko habang pinapasadahan ng tingin ang long dress. Fitted style din ito. May slit pero hindi gano'n kahaba. Kulay dark red siya. Close ang harap at V-back din ang likuran.

"Malaswa, parang sando lang yung strap. Yuck," aniya.

"No. Hindi siya malaswa. Tama lang iyan, hindi ako makikitaan sa ganiyang suot."

"Hindi bagay sa 'yo. Ang taba-taba mo. Mag-sako ka nalang."

Inirapan ko lamang siya.

"Kukunin ko 'yan."

****

Saturday.

Nakangiting pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin. Hindi ko alam kung ako ba talaga 'to o baka minamaligno ako.

Pulang-pula ang suot ko. Hindi siya magarbo. Tamang-tama lang talaga ang fit. Hindi rin kataasan ang heels na suot ko.

"Bagay sa 'yo ang pulang lipstick. Tama 'yang kulay na ginamit mo," ani tita Cora habang nakangiti sa akin, "Ang ganda mo talaga. Suwerte naman ng partner mo ngayon."

Napabusangot ako, "Wala akong partner, 'ta. Ayaw pumunta ng mokong na 'yon."

"Ano pa bang inaasahan mo?" natatawang hinawi niya ang buhok kong nakaladlad patungo sa likuran ko.

"O siya, ipagda-drive nalang kita."

NAIILANG NA PUMASOK ako sa loob ng school namin. Malaki ang school ground namin kaya hindi katakha-takang nagkasya ang napakaraming estudyante. Malakas din ang dagundong ng tugtog na High School ng UMI.

"When you're lonely
Do you stare outside your window like I do?
Do you remember how we
Used to go to Denny's after school?"

Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid. Pilit kong hinahanap sila Denise, o kahit ang mga kaklase ko lamang.

Lumipas ilang minuto pero hindi ko pa rin sila mahanap. Natapos na ang High School at napalitan naman ng Paper Love ni Allie X.

Maganda ang tugtugan nila. Kung normal na gabi lang ito, malamang para na akong sira-ulo na nagsasayaw ngayon.

Shoot. Halo-halong kurso ito. Saan ang section namin o kahit ang IT course? Nasaan na? Wala manlang banner o ano? Holy cow.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa bag ko dahil sa kaba. Ngunit natigilan ako nang may dumamba sa likuran ko. Nang lumingon ako ro'n ay nakita ko si Denise.

Nanlaki ang mga mata ko.

"Denise!"

"Oh my G! Ang hot mo!" tili niya saka bumeso sa akin.

[ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ]  Cold NightsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora