Twenty-Four

550 36 50
                                    



A/N: Read this whole chapter. Marami kasing nalilito. Salamat.

*****

JESSICA

Dalawang taon na ang lumipas.

Dalawang taon din ang itinagal ko sa Japan—hanggang sa matapos ang kontrata ko sa kompanya. Agad na inuwi ako ni Adolf sa Pilipinas.

Nag-usap sila ni papa. Nagbonding kami at nagsaya. Walang araw na hindi kami magkasama. Well, hindi niya sinasabi sa akin na mahal niya ako, pero sapat na sa akin ang mga titig niya na siyang nagsasabi sa akin kung gaano niya ako kamahal.

Kahit na para akong tanga na palaging nagsasabi sa kaniya na mahal ko siya, ay alam ko namang nirereplyan niya ako sa isipan niya.

At hanggang sa kinasal nga kami.

Simple lang ang kasal. Walang masyadong pumunta kasi iyon ang gusto ni Adolf. Ang mga kaclose ko lang noong College na sila Torres lang ang pinayagan niya. Pati na rin ang ilan sa mga kamag-anak namin. Hindi yata lalagpas ng kinse. Hehe. Pagkatapos ng kainan ay tumakas na kami paalis sa resort.

"Ibaba mo ako!" tumitiling hiyaw ko habang mahigpit ang kapit ko sa damit ni Adolf.

Tatawa-tawa niya akong ihiniga sa kama. Sa kama kung saan kami palaging magkatabi kapag natutulog noon—narito kami sa kuwarto niya sa Fifth.

"I hate you," bulong niya saka dinampian ako ng halik sa labi nang sumunod siya sa akin. Umibabaw siya sa akin at natatawang hinalikan niha ako muli.

Naiiyak akong tumango at yumapos sa kaniyang leeg.

"I love you, too."

Ngumiti siya at mas mariing hinalikan ako sa labi. Napasinghap ako at agad na hinalikan siya pabalik. Marahas ang galaw ng kaniyang mga labi sa umpisa, hanggang sa maya't-maya'y bumagal ang kilos niya. Naging maingat. Puno ng emosyon.

Saglit siyang humiwalay sa akin.

"Tapos na ang kontrata mo. Hindi ka na magtatrabaho, naiintindihan mo?" tanong niya saka ibinaba ang zipper ng gown ko.

Nang magtagpo ang paningin namin ay muli niya akong hinalikan.

"O-Oo... Hindi na ako magtatrabaho. Dito lang ako."

Ang mga kamay ko ay kinuha niya at madiing ibinaba sa kama. Pinagsiklob niya ang mga daliri namin habang ang mga mata niya'y nakapirmi sa akin.

"Mahal kita," bulong niya.

Napasinghot ako, "Finally, nasabi mo rin ng matino."

"Virgin pa ako," bulong niya sa tapat ng mukha ko, "Paano ba 'to?"

Natawa ako at nagkibit-balikat, "Hindi ko rin alam. Kiss lang din ang alam ko."

Humiwalay siya sa akin at bahagya siyang bumangon. Hinubad niya ang kaniyang polo at muli yumukod para hilahin pababa ang gown ko.

Tinitigan ko ang mga pilat sa balat niya.

Masaya ako ngayon. Masaya ako at sa sobrang kasiyahan ko, naiiyak ako. Napahikbi ako at inabot si Adolf palapit muli sa akin.

"Bakit ka umiiyak?" masuyong tanong niya, "Pangit ba ang ako? Gusto mo takpan ko ang mga sugat ko?"

Umiling ako at hinaplos ang mga sugat niya, "Hindi ikaw ang Adolf ko kung wala ka niyan... Basta, basta huwag mo na ulit gagawin ang mga bagay na ginagawa mo noon."

Tumango siya at marahang pinahiga ako. "Basta hindi ka na aalis ulit."

"Pinakasalan na kita lahat-lahat, 'yan pa rin ang nasa isip mo?"

[ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ]  Cold NightsOnde histórias criam vida. Descubra agora