Ten

423 40 13
                                    

JESSICA

"I hate you."

"I know."

"No, I really hate you!"

"Hmm, I know, Jessica."

"Kotang-kota ka na sa akin, ah. Kaya ako nagtrabaho rito, para tahimik ang buhay ko, tapos ngayon, dito ka rin papasok?!"

Bored niya akong tinapunan ng tingin. "Bakit? Sa 'yo bang store 'to? Hiring sila, alangan namang hindi sila tumanggap ng bagong empleyado? Gusto mo ikaw lang?" He rolled his eyes heavenwards. "Ano ka? Special? Nah, you're not."

Alam ko. Hindi talaga ako espesyal!

"Sa dinami-rami ng puwede mong pasukan, Adolfo!" inis na singhal ko sa kaniya.

Bigla niya akong sinabunutan. Inabot niya ang buhok ko at hinila-hila ito.

Aray!

"Isa pang tawag mo sa 'kin ng Adolfo, sisiguraduhin kong hindi na makikita ni tita Cora ang bangkay mo."

Asar na inayos ko ang buhok ko. Kung nakakamatay lang talaga ang titig, malamang bumulagta na siya.

"Siguro crush mo ako," kanda-haba-habang nguso na bintang ko sa kaniya.

Hayun, natigilan siya't napalingon sa akin, nakataas ang kilay.

Ang guwapo talaga ang hayup.

"Ikaw ang makapal ang mukha sa 'tin, alam mo 'yun?" sarkasmong tanong niya. "I don't have a crush on you. I'm not a grade schooler."

Umirap ako. "Tss, crush mo ako. Admit it, asshole."

"I hate you," siya naman ang nagsabi ng linya ko. Sumandal siya sa headrest ng inuupuan niya saka pumikit.

"Paano mo natitiis na magtrabaho dito na walang kasama? This place looks dangerous, especially to a woman like you," aniya.

Kung tutuusin... tama naman siya.

Mula sa gilid ng pantalon ko ay may hinugot ako, itinutok ko iyon sa noo niya.

Nang dumilat siya ay bigla siyang napasigaw.

"Wahh!" Tinapik niya ang kamay ko, "Papatayin mo ba ako?!"

Tatawa-tawa kong ibinalik ang revolver sa tagiliran ko.

O? Akala ko ba gusto niya na mamatay? Lmao.

"I know how to use guns. Tinuruan ako ni mama."

Bigla akong nalungkot nang maalala ko si mama. Pero agad na nilibang ko na lamang ang isipan ko para hindi na naman ako maiyak.

"Eh paano kung lima silang may baril?" ngiwing tanong niya.

Nagkibit-balikat ako. "I'll shoot myself then."

"You're hopeless," aniya saka napailing. Ipinagpatuloy niya ang pagbabasa niya ng librong dala-dala niya.

Inismiran ko siya.

Napagdesisyunan kong magpatugtog na lamang sa phone ko. Kaya kinuha ko ang aking phone mula sa ilalim ng counter saka ako nagplay ng random song.

"Seriously?" biglang sambit ng lalaki.

Napalingon ako kay Adolf na katabi ko, may maliit na ngiti ang naka-paskil sa mga labi niya habang nagbabasa siya.

Saglit akong natigilan.

Wow. Bakit ang guwapo niya? Jusko, stop smiling. Dapat ay ka-inisan ko siya, pero kapag ngumingiti siya ng ganiyan ay nalilibang ako.

"Bakit?" tanong ko.

[ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ]  Cold NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon