Eleven

440 42 21
                                    

JESSICA

"Bati na kayo?" tanong ni Denise habang abala siya sa pagtitipa sa keyboard. Narito kami ngayon sa Computer Lab.

Napaismid ako, "Hindi kami magbabati kahit kailan. He's an asshole."

Natawa siya, "Woah, really? I thought tahimik siya?"

Napabusangot ako, "Akala mo lang 'yun. Hindi mo siya kilala."

"10 minutes nalang!" sambit ng professor namin.

We groaned in frustration. Kaniya-kaniya kaming tipa sa keyboard. Hanggang sa natapos na ang 10 minutes at nagsimula na kaming magpasa.

Natapos ko ang pinapagawa sa amin ng walang kahirap-hirap, 'di tulad sa mga kaklase kong kanina pa nagrereklamo.

Ito ba ang bobo? Kainis! Kanina pa ako nababadtrip kapag naaalala kong lagi akong sinasabihan ni Adolf na bobo ako. Ang pinagkaiba lang, nauna lang siyang nag-aral ng about technology stuffs kesa sa akin, pero hindi ibig sabihin no'n ay bobo na ako!

Well, yes. Big deal iyon sa akin. Nakakainis na kasi.

"Where's Jessica?" Nadinig kong may mahinang boses ang nagtanong sa pinto ng ComLab namin. Mahinay lamang ang boses niya na akala mo ang bait-bait.

Napalingon ako sa pinto.

"Bakit, p're?" tanong ng kaklase ko na nasa pinto banda nakaupo.

"Uh... may itatanong lang sana ako..." sagot niya sa mahinang boses.

"'Tol, sinong Jessica? Sabog ka na naman ba?" tanong ni Tan, kaklase kong lalaki.

Nadinig kong nagtawanan ang iba ko pang mga kaklase.

"He's high again."

"Oooff. Si Tolentino yata ang hinahanap."

"Oo si Tolentino nga, par. Hahaha!"

"Gago ka bang bakla ka? Musta na 'yung tatay mong bakla rin?" Si del Rosario.

"Sa tingin mo haharapin ka ni Tolentino? Dude, a beautiful woman like her wouldn't even dare to look at you." Si Torres.

Tumayo ako. Hinablot ko ang gamit kong keyboard paalis sa System Unit. 

Nilapitan ko ang puwesto ng gago na malapit lamang sa pinto.

Hinataw ko ng keyboard ang ulo ni Torres. Nawasak ang keyboard, tanggalan ang mga letra. Gumawa ito ng malakas na ingay na siyang umalingawngaw sa buong paligid ng ComLab.

'Di bale, sa akin ang keyboard na ito. Hindi kasi ako sanay gumamit ng ibang keyboard kaya dala-dala ko ito para iconnect sa System Unit.

Nagtagpo ang mga mata namin ni Adolf na mukhang nagulat sa ginawa ko.

"Oh, shit!" hiyaw ni Tan.

"Uy, p're, ayos ka lang?!" Si del Rosario.

Akmang lalapitan ko na sana si del Rosario. Ngunit biglang napatayo si Denise at agad na nilapitan ako.

Binulungan niya ako, "Tama na."

"What the fuck?!" hiyaw ni Torres. Napatayo siya sa harapan ko, "Bakit mo ako hinampas?!"

"Anong nangyayari d'yan?!" Biglang sumulpot ang professor namin na kagagaling lang sa pag-aayos ng isang PC. Nakita niyang hawak-hawak ko ang sira-sirang keyboard, nabalin ang paningin niya kay Torres.

"Sir," Napabuga ako ng hangin, "Nambubully siya. Kung hindi niyo narinig, kaya kong ulitin ang mga salitang sinabi nila."

"Kaya ko ring ulitin," biglang sambit ng tahimik naming kaklase na si Michelle. Makapal ang eyeglasses niya at magaling siya sa klase. Prente siyang nakaupo sa tapat ng PC na gamit niya.

[ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ]  Cold NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon