Three

554 38 20
                                    

JESSICA

Kita ko siya mula sa puwesto ko. Prente siyang naka-upo sa sofa habang naka-tunganga sa kawalan. Ang akala ko rin ay wala na siya. Hindi ko namang inaasahang nandito pa pala siya.

"Ehem." Tumikhim ako bago ako tuluyang bumaba ng hagdan.

Nilingon ako ni Adolf at nagulat pa ako nang makita kong namumula ang mga mata niya.

"Wow, buhay ka pa pala?" bored na bati niya sa akin. Halatadong wala siyang tulog. Bakit nga ba hindi siya natulog? I mean, pwede naman siyang umuwi o 'di kaya humiga sa sofa.

Sa hitsura niya kasi ngayon, parang wala pa siyang galaw-galaw simula kagabi. Kahit yata langawin siya ay hindi siya kikibo.

Tumayo siya at namulsa. "You really took your precious time there, huh," sambit niya saka pinasadahan ng tingin ang mukha ko.

Napa-ngiwi ako. Hindi ko pinansin ang pangalawang sinabi niya. "Buhay ka pa naman, ah? Subukan mong ngumiti minsan."

"Smiling is disgusting," aniya saka nilagpasan ako, kinuha niya ang libro sa lamesa namin.

Napa-ngiwi ako muli nang makita ko ang title ng libro niya: Evil Serial Killers: How To Murder Your Female Neighbor Without Leaving Any Evidence.

Dumiretso siya sa pinto.

"Kaya mo naman na, 'di ba?" tanong niya. "Siguro naman marunong kang maligo? O gusto mong ako pa ang magpaligo sa 'yo?"

Agad na umakyat ang dugo ko sa magkabilang pisngi ko.

"U-Umalis ka na nga!"

Seryoso niya akong tinitigan. "Ayos lang sa 'kin. Pipikit nalang ako."

Ano?!

Tumili ako. "Marunong akong maligo mag-isa! Umalis ka na!"

Tumango lang siya saka walang pakialam na lumabas. Hinihingal akong naiwan mag-isa. Hanggang sa may narealize ako...

...hindi pa siya kumakain ng almusal.

Bahala na. Ihahatid ko nalang sa bahay niya.

Agad akong nagluto ng fried rice, itlog at bacon. Nang matapos ako ay agad akong dumiretso sa likuran ng bahay ni tita Cora habang bitbit ang niluto kong pagkain. Nang makarating ako sa bahay ni Adolf ay agad kong kinatok ang pinto.

Tinitigan ko ang kabuuan ng bahay.

Malaki, pero halatang luma na talaga. Mukha siyang haunted house. Hindi mo iisiping may nakatira pa rito. Luma na kasi ang pintura at nagbabakbak na rin. May mga crack na rin ang pader.

Hindi rin nagtagal nang buksan niya ang pinto. Iyon pa rin ang suot-suot niyang damit—kung damit bang matatawag 'yan o garbage bag. Ang luwag kasi.

Agad na dumako ang kayumanggi niyang mga mata sa mukha ko, pababa sa bitbit kong tupperware.

Nginitian ko siya. "Ah, almusal nga pala. Hindi ka pa kumakain panigurado."

Nawalan ng emosyon ang pagmumukha niya. "Hindi ako nagugutom."

Seriously?

Napa-tsk ako at pilit na inabot sa kaniya ang pagkain.

"Are you starving yourself?"

"Yeah, and it is none of your business," bored na dugtong niya sa akin habang naka-titig pa rin siya sa akin.

Napakamot ako sa ulo ko. Ano bang problema niya? Hindi ko alam kung suicidal ba siya o sadyang tinatamad lang siyang maging tao, eh.

[ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ]  Cold NightsWhere stories live. Discover now