Thirteen

368 36 4
                                    

JESSICA

Nahihilo pa akong lumakad palabas ng store. Dire-diretso lamang ang hakbang ko, hanggang sa nakarating na pala ako sa bahay nang hindi namamalayan.

Dalawang gabi nang walang duty si Adolf. Ako lang mag-isa sa store at, oo, napaka-boring. Kamuntik na nga akong makatulog kanina. Mabuti na lamang at marami ang bumili.

Walang ganang pumasok ako sa loob ng bahay.

Ngunit napatigil din ako nang makita kong may bisita si tita.

"I don't need your money. Bakit mo ba ako pinapunta rito?"

The voice... it sounds familiar. Parang nadinig ko na ito sa kung saan.

Lumakad ako papasok. At nang makita ko ng klaro kung sino ang nakaupo sa sofa ay bigla akong nagulat.

Si Jean?

Pati siya ay nagulat nang makita niya ako. Nanlaki ang bilugan niyang mga mata.

"S-Siya nga pala, si Jessica 'yan, pamangkin ko, anak."

Anak?

Naipilig ko ang ulo ko dahil naguguluhan ako.

Tumungo lamang si Jean at umiwas ng tingin sa akin, "Hi, Jessica..."

"A-Anak?" halos bulong nalang na tanong ko kay tita Cora. Tumango siya at malungkot na tiningnan ang... anak niyang nakaupo sa sofa.

Mukha talagang rebelde si Jean. Sa make-up at damit niya palang, rebeldeng-rebelde ang datingan niya. Bitchy ang dating niya kahit na maamo ang mukha niya.

"Aalis na ako, and next time, huwag mo akong papapuntahin dito na wala naman palang halaga ang rason," malamig na sambit ni Jean saka tumayo. Nang mapadaan siya sa harapan ko ay napatingin siya sa akin.

She smiled bitterly.

Nang tingnan ko si tita Cora ay umiiyak na siya. Tuluyan na ring lumabas si Jean.

Nawala ang antok ko. Natutop ko ang bibig ko dahil hindi pa rin maalis sa sistema ko ang gulat.

May anak si tita Cora. At si Jean iyon!

"T-Tita? A-Ano pong nangyayari?"

"Anak ko siya," mahinang sambit niya.

"Pinaampon ko siya sa kaibigan ko, anak ko siya sa dati kong karelasyon," humihikbing pinunasan niya ang kaniyang mga luha, "Takot ako noon na magkaroon ng pamilya. Takot ako na malaman ni mama na nanganak ako. Hanggang sa nagpakasal na ako sa tito mo. Nang lumaki siya, ayaw niya akong kilalanin bilang ina..."

Pinahid niya ang luha sa kaniyang pisngi, "I'm a Manila Girl, Jessica. Pero tingnan mo? Nandito ako ngayon sa Fifth, naka-isolate sa lugar kung saan maraming tao at mga sasakyan. Nandito ako dahil nandito rin ang anak ko."

Ewan ko kung ano ang dahilan, pero kusang tumulo ang mga luha ko.

Alam ni Adolf ito. Ito ang sinasabi niyang hindi lahat ng tao ay kilala ko. Malamang matagal nang magkakilala si Jean at Adolf.

Napayuko ako.

"Lahat naman po ng tao, nagkakamali, tita..."

"Pero ito ang pagkakamali na hindi ko na maitatama... Galit siya sa akin... Si Adolf lang ang sandalan niya. Ginagawa nilang sandalan ang isa't-isa... Hindi ko sila maipaghihiwalay kahit kailan. Hindi ko alam kung papaano ako mapapalapit sa kaniya."

Kaya nga hindi ako kailangan ni Adolf. Hindi niya kailangan ng kaibigang tulad ko.

Masakit... Pero bakit masakit?

[ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ]  Cold NightsWhere stories live. Discover now