One

873 51 8
                                    

JESSICA

"Hindi ko kasi alam na dinig pala ang ingay sa kanila," pagku-kuwento ko kay Tita Cora habang nasa kusina siya nagluluto at ako naman ay naka-upo sa hapag-kainan. "Kilala mo ba siya, 'ta?"

Saglit na tumigil sa paghihiwa ng karne si tita. Ilang segundo siyang nakatayo lang at tila malalim ang iniisip.

"'Ta?"

Muli siyang naghiwa ng karne bago siya sumagot sa tanong ko. "Hindi."

Oh.

Hindi na ako nagsalita pa. Ibinalin ko ang paningin ko sa bintana na nasa likuran ko lang.

Madilim na sa labas. Walang streetlights na naka-bukas pero sapat na ang sinag ng buwan para mailawan ang malawak na kalsada sa labas.

Well... It's creepy out there. Ni sasakyan, walang dumadaan. Paano natiis ni Tita Cora na tumira mag-isa sa ganitong lugar?

"Alam mo po ba kung nasaan na sila Adolf?" tanong ko matapos ang mahabang katahimikang namagitan sa amin ni tita.

Nang ibalik ko ang paningin ko sa kaniya ay naghihiwa naman siya ng mga ihahalo sa niluluto niya.

Tinitigan ko ang mukha niyang naka-tagilid mula sa puwesto ko.

"Jessica..." malungkot ang kaniyang tinig at hindi pa rin siya humaharap sa akin. "May mga pangyayari na hindi na dapat inuungkat pa."

Natahimik ako at napa-iwas ng tingin kay tita.

Si Adolf, siya ang kalaro ko sa t'wing bumibisita kami rito kina tita noong bata pa ako. Tahimik at mailap si Adolf—o Addy—pero mabait naman siya sa akin at palagi kaming magkasundo kahit na tipid lang ang mga salitang binibitawan niya. Kapitbahay siya rati ni tita.

Nakaramdam ako ng kalungkutan. Ibinalin ko ang mga mata ko sa labas. Ayoko kasing makita niyang naluluha ako.

Ang balita ko kasi noon, pinagsa-samantalahan pala si Addy ng sarili niyang tatay. Matapos malaman ng mga pulis ang nangyayari sa loob ng pamamahay nila Addy, binaril ng tatay niya ang kaniyang ina at sinunod naman nito ang sarili niya. Hindi ko alam kung bakit binuhay si Addy ng tatay niya.

Magmula noon ay hindi na kami bumalik ni mama rito at lumipas na rin ang siyam na taon. Iyon na ang huling balita ko sa kaniya. Masakit. Para sa bata niyang edad noon... masyadong... masyadong masakit.

"Gusto ko sana siyang kamustahin..." mahinang sambit ko, kamuntik pa akong pumiyok. "Naaalala pa kaya niya ako?"

Katahimikan ang sumunod na nangibabaw sa buong kabahayan ni tita. Ngunit hindi rin nagtagal nang magulat ako sa sinabi niya.

"Si Adolf, siya ang lalaking sumita sa 'yo kanina."

*******

Limang linggo na ang nakalipas magmula nang lumipat ako sa bahay ni tita.

Noong una, ayaw ko rito, pero kalaunan ay nagugustuhan ko na rin dito at nakaka-sanayan ko na ang sobrang katahimikan.

Paborito ko ang pagpatak ng alas-tres ng hapon. Hinihiram ko kasi ang bisikleta ni tita at iniikot ko ang sementeryo ng La Clarita kapag papalubog na ang araw. Maluwag kasi ang sementeryong iyon at hindi nakakatakot ang hitsura nito—pwera nalang kapag gabi na talaga.

"Pwede mong gawing service ang bike ko kapag papasok ka sa school, Jessica," dinig kong sambit ni tita Cora likuran ko habang binabaktas ko ang kahabaan ng Fifth. Angkas ko kasi si tita sa likuran ko. Ewan ko ba kung bakit niya napagtripang sumama sa akin.

Napangiti ako ng malawak. "Salamat po."

Umikot ako sa pa-likong daan. Pabalik ito sa bahay ni tita mula sa likuran.

[ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ]  Cold NightsWhere stories live. Discover now