Five

572 47 17
                                    

JESSICA

"Ang tamis niyo kagabi, anong meron?"

"'Ta, wala po," sagot ko muli habang inaayos ko ang pinagkainan naming dalawa.

Kanina pa ako na-a-asiwa sa mga titig ni tita Cora. Jusko po, malay ko ba kasing nakita niya kaming dalawa ni Adolf kagabi?

Nakakahiya!

Napabuga ako ng hangin. "Kaibigan ko si Adolf, ang umapi sa kaniya, papaslangin ko."

Bahagya siyang natawa. "Talaga ba?"

Tinabihan niya ako saka niya inagaw sa akin ang mga plato. Alam ko na ang ibig sabihin niya, gusto niyang siya ang maghuhugas ng plato.

Napangiwi ako at napakamot.

Kanina pa talaga 'tong si tita! Hindi ko tuloy alam kung anong magiging sagot ko sa kaniya kasi ang lakas niyang mang-asar!

"Ah... Magpapahangin lang po ako sa labas." Hindi ko na siya hinintay pang sumagot. Para akong sira-ulong naglakad patungo sa pinto at agad na lumabas.

Napabuga ako ng hangin nang makalabas ako. Ang unang bumungad sa akin ay ang madilim na kalsada. Wala talagang dumadaang kahit sino rito, ni sasakyan ay wala rin. Baka naman kami nila Adolf lang ang nakatira rito?

Bumaba ako ng hagdan. Umupo ako sa unang baitang no'n at pinanood ko ang maliwanag na buwan sa langit. Walang gaanong bituin ngayon pero hindi ko maitatangging masarap palang maglagi rito.

Saglit akong tumayo at pumasok sa loob at umakyat sa silid ko. Nang lumabas akong muli ay may dala-dala na akong maliit na speaker.

Muli akong umupo sa puwesto ko at nagpatugtog ng mahina. Napangisi ako nang marinig ko ang kantang My Juliana ng IV Of Spades. Idol ko kasi talaga ang IV Of Spades kaya kalat-kalat ang mga kanta nila sa playlist ko.

Napayakap ako sa sarili ko nang humaplos sa balat ko ng malamig na simoy ng hangin. Cold nights. I like it.

Sinamyo ko ang suwabeng tugtog habang dinadama ko ang hangin.

Binura ko ang mga gumugulo sa isipan ko. Gusto kong magrelax. Gusto kong mapahinga ang isipan ko. Kahit saglit lang ay gusto kong makalimot sa mga nangyari sa buhay ko.

"What is the purpose of living if you're going to die anyway?"

Kahit hindi ko lingunin ang nasa gilid ko, alam ko kung sino ang nagsalita.

Napabuga ako ng hangin. "Nagsa-soundtrip ako, Adolf. Pang-gulo ka, eh," iritableng sambit ko saka tingala siya.

And again, nakasuot na naman siya ng makapal at malaking jacket. Pero ngayon ay dinagdagan niya na ito ng bonnet kaya nagmukha siyang nasa America.

"Bakit ba lagi kang nagsusuot ng jacket na mas malaki pa sa 'yo? Mukha kang salbabida."

Sinamaan niya ako ng tingin. "Bakit ba nangingialam ka? Gusto mo sakalin kita?"

Oopsie. Sabi ko nga hindi na ako mangingialam. Mukhang iritable na naman siya.

Umupo siya a tabi ko. I mean, medyo malapit sa tabi ko. May distansiya sa pagitan namin, mahabang distansiya. Nakatitig lamang ako sa kaniya habang siya naman ay nakatingin sa harapan.

"My Juliana, I promise you I'll never come back..." mahinang kanta niya. "When the sky hides the sun, you'll never see my heart on a string, with your broken ring..."

Tipid akong napangiti, iniwas ko ang paningin ko sa mapayapa niyang mukha. Matagal na namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Tanging ang mahinang tugtog lamang ang tanging nag-iingay, and, well, nakakarelax.

[ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ]  Cold NightsWhere stories live. Discover now