Seven

436 41 21
                                    

JESSICA

Malinis. Sobrang linis.

Parang nakakatakot hawakan ang mga gamit niya dahil malinis talaga rito. Sa labas, mukhang haunted house, pero pagpasok sa loob, parang... bagong-bago.

Sa pader, may mga nakasabit na vintage paintings. Marami ring mga nakasabit na gitara sa pader. Iba-ibang klase, may electric, may ukelele, may bass, acoustic at iba-iba pa.

Mas malinis pa yata ito kesa sa kuwarto ko.

"Ahm... Adolf?" tawag ko sa lalaking abala sa pagtunganga sa kawalan.

Nilingon niya ako at iritableng tinitigan. Tila ba siya pa ang nainis dahil inistorbo ko siya sa pagtulala niya sa kawalan. Katatapos niya lang din kumain.

"Bakit... Bakit mo nga pala ako pinapatulog dito? May balak ka bang patayin ako at itago ang katawan ko sa ilalim ng lababo mo?" ngiwing tanong ko.

Umangat ang gilid ng labi niya. "Yeah. Sasakalin kita tapos itatali kita sa kama ko."

Napataas ang mga kilay ko.

"Wait—that... sounds kinky," awkward na sambit ko.

Sinamaan niya ako ng tingin. "Itatali kita sa kama ko then I'm gonna stab you to death."

"Stab me with what?" wala sa sariling tanong ko.

"Nilulumot na ang utak mo, ano?" iritableng tanong niya. Pero iba ang nakikita ko sa mga mata niya, I can see the amusement there.

Ah, nevermind.

"Oh..."

Mapakla akong natawa. Hinayaan ko siyang umupo lamang sa sofa niya at muling tumunganga na naman.

Muli kong inilibot ang paningin ko sa paligid. May DVD player doon sa gilid, may nakasaksak na flashdrive dito. Nilapitan ko iyon. Saka pinindot ang switch.

Nagitla ako nang bigla itong tumugtog. Mahina lamang ang volume.

Napangisi ako.

Seriously? Mars Argo?

"Beauty Is Empty? Huh," kumento ko habang inililibot ang paningin ko sa paligid.

Great taste of music, huh? Hindi ko inaasahang makakakita ako ng lalaking "makakasundo" ko sa music. Sadly, palagi niya akong inaaway.

I don't sing, pero talagang mahilig ako sa music. Lalo na iyong mga hindi sikat.

"Alam mo 'yang kanta?" tanong niya.

Nilingon ko siya at tinanguan. Salubong ang kilay niya pero hindi naman siya mukhang inis o galit. Mas mukha siyang nagulat na ewan. And there it is again, may something sa mga titig niya na nagiging dahilan para mailang ako,

"Yup," sagot ko, popping the letter P.

Naglakad ako patungo sa mga bookshelves niya na punong-puno ng mga libro.

Bahagya akong napapasayaw sa beat ng kanta habang abala ako sa pagbabasa ng mga titles ng mga libro niya.

Percy Jackson And The Olympians, isang set. Wow. Marami rin ang books ni Stephen King: The Green Mile, IT, Pet Sematary, Cujo, Insomnia at marami pang iba. Hannibal,
The Silence of the Lambs, Divergent Series... more... ang dami. Ann Rule's books... Nakakaduling. Ang pinakamarami sa collections niya ay about sa Programming at Hardware. Ang kakapal ng mga libro!

So, this is the reason why he's too genius? Dito niya ginugugol oras niya?

"May gusto kang basahin?"

Nagitla ako nang madinig ko ang tinig ni Adolf sa likuran ko.

[ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ]  Cold NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon