Four

546 60 13
                                    

JESSICA

"Buti naman at pumayag ka, hijo?" nangingiting tanong ni tita saka tumingin sa akin ng makahulugan.

Hindi ako kumibo. Patuloy lang ako sa pagkain ng ice cream. Medyo naiilang ako sa mga tingin sa amin ni tita Cora, eh. Lalo na't katabi ko si Adolf na tahimik ding nilalantakan ang ice cream niya.

"Pinilit lang po ako ni Jessica," mahinang sagot niya. Akmang sisinghalan ko na sana siya, ang kaso, natigilan ako nang banggitin niya ang pangalan ko.

Nakaka-panibago kasi. Parang iba ang dating kapag sa bibig niya nanggagaling ang pangalan ko. Basta, iba ang dating. Parang may kung anong emosyon doon na pumapaloob. Para bang nalulungkot ako, o sadyang baka malapit na ulit ang menstruation ko kaya nagda-drama ako kahit walang dahilan.

Saglit akong napatitig sa gilid ng mukha niya. Umiwas din ako ng tingin nang bigla siyang natigilan sa pagkain at napa-titig din sa akin.

"Hindi kita pinilit, ah..." sagot ko nang maka-recover ako. Umirap lamang ako at muling kumain.

"Doon ka nalang sa kuwarto ni Jessica matulog. Bati naman na kayo, 'di ba?" ani tita.

Anak ng tokwa!

Nabitiwan ko ang kutsara. Gulat na tinitigan ko si tita Cora na naka-ngiti lamang sa amin. Magre-reklamo na sana ako ngunit naunahan akong magsalita ni Adolf.

"Sige po. Tatabihan ko po siya."

Ha?!

Gusto ko siyang sigawan pero patigilid niya akong tinitigan ng masama. Agad ko namang na-gets ang sinasabi niya kaya natahimik nalang din ako.

Ayaw niyang makita ni tita na mag-aaway kami. Ayaw niyang magbangayan kami sa harapan ng mabait na babaeng naka-upo sa tapat namin.

Tahimik na kaming kumain matapos naming mag-usap ng kaunti. Hindi rin nagtagal nang umakyat na kami ni Adolf dahil ini-utos ni tita.

Saktong pag-akyat namin sa hagdan ay agad niya akong sinipa sa paa. Napa-maang ako. Agad ko rin siyang ginantihan, siniko ko siya sa tagiliran.

Agad kaming nagtakbuhan patungo sa kuwarto ko. Wala kaming sali-salita pero kanina pa kami nagha-hampas-an at nagsi-sipa-an.

Nang maisara ko ang pinto ay agad niya akong sinamaan ng titig.

"Laslasin ko leeg mo d'yan, eh," asar na asik niya sa akin.

Pinanliitan ko siya ng mata. "Gawin mo nga? Hindi mo naman kaya, sus!"

Bigla siyang mabilis na humakbang palapit sa akin. Mabilis, as in, mabilis! Nawalan ng reaksyon ang mga mata at ang mukha niya. Tila ba isa siyang robot!

"U-Uy! Joke lang! Oo na, sige na! Matulog na tayo!" nagpa-panic na napa-taas ako ng dalawa kong kamay.

Umismid siya at tumigil sa pananakot niya.

"Kasya naman tayo sa kama ko, eh..." halos bulong na sambit ko saka ako naunang nagtungo sa kama ko.

Hindi lumipas ang ilang minuto ay magkatabi na kami.

Parehas kaming nakatitig sa kisame. Parehas kaming hindi makatulog. Hindi ko alam kung anong iniisip niya, masyado siyang tahimik at talaga namang nakaka-ilang ang katahimikan.

Ayos lang naman sa akin kahit magkatabi kami. Hindi naman ako maarte at mas lalong hindi ko matitiis na patulugin siya sa sahig.

"Anong iniisip mo?" biglang tanong niya out of nowhere. Siguro ay pati siya, nabibingi na rin sa katahimikan.

"Nothing important," sagot ko. "Naalala ko lang 'yung JS Prom namin. Marami akong nakasayaw no'ng araw na 'yun." Napangiti ako.

Isa kasi iyon sa mga memories na hindi ko malilimutan.

[ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ]  Cold NightsWhere stories live. Discover now