Jessica

751 48 75
                                    

JESSICA
10:45 PM

"He's dead, isn't he?"

Naaalala ko pa ang tanong ng isang estudyante ko kanina. At muling bumalik sa akin ang katotohanan.

Tulala akong nakatingin sa malayo. Malakas ang buhos ng ulan at basang-basa na ang buong katawan ko. Nakasuot pa ako ng uniporme ko sa university. At kung may kukuha man sa akin ng litrato, magv-viral ako sa social media.

Isang teacher, nakatayo sa gitna ng highway. Funny.

Puro pagpreno ng sasakyan na lamang ang nadidinig ko. Nilalagpasan ako ng naglalakihang mga truck.

Mahigpit ang hawak ko sa singsing na nakuha sa kamay ni Adolf noong matagpuan ang katawan niya. Kasyang-kaysa sa akin ang singsing at naka-ukit dito ang pangalan ko.

My Jessica...

Napayuko ako at hinayaang humalo ang mga luha ko sa tubig-ulan.

Akala ko nakalimutan ko na. Akala ko... Akala ko maayos na ako... Akala ko, mapapatawad ko na ang sarili ko. Limang taon kong pinilit makalimot. Ilang taon kong itinatak sa isipan ko na wala akong kasalanan.

Ilang taon na inisip kong balang-araw ay ikakasal ako sa kaniya. Na balang araw, tutuparin ko ang pangarap niyang makapunta sa ibang bansa.

Pero wala na siya. At hindi ko na ito kinakaya... Hindi ko na kaya pa...

"Miss! Magpapakamatay ka ba! Huwag kang mangdamay ng ibang tao!" hiyaw ng isang driver ng truck na lumagpas sa akin.

Napaka-selfish ko. Gusto kong mawala sa mundong 'to pero mandadamay pa ako ng ibang tao...

Napahagulhol ako.

Nang tumingala ako ay kitang-kita ko ang mabilis na paglapit sa akin ng isang sasakyan. Ang nakakasilaw na pagsalubong sa akin ng nakakasilaw na liwanag.

Umalingawngaw sa magkabilang tainga ko ang malakas na pagpreno nito.

Napapikit ako at nilamon ng dilim.

At sa panaginip ko, naglalakad patungo sa dilim si Adolf. Ngunit sa pagkakataong ito, hawak niya ang kamay ko.

Wala siyang sinasabing kahit ano ngunit mahigpit ang hawak niya sa akin na tila ba ayaw niya akong pakawalan pa.

Sumandal ako sa kaniyang braso, at naramdaman ko ang mga labi niya na lumapat sa aking noo.

THE END
****

A/N: Alam ko, gago ako. Pati ako nagtatanong sa sarili ko kung bakit ganito ang kinalabasan. Gomen! HA HA HA HA.

[ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ]  Cold NightsWhere stories live. Discover now