Fifteen

423 38 8
                                    

JESSICA

"Okay na ang sugat niya. Wala namang natamaang ugat."

Wala sa sarili akong tumango kay tita. Siya ang nagtahi sa sugat ni Adolf. Siya na rin ang gumawa ng lahat dahil wala naman akong maitutulong na kahit ano. Wala akong alam sa medisina o ano.

"Plano niyang makatama ng ugat. Kita naman na sobrang lalim ng plano niyang maabot." Umiwas ng tingin sa akin si tita, na tila ba may alam siya na ayaw niya lamang sabihin sa akin.

"B-Bakit niya gagawin iyon?" mahinang tanong ko.

Nagtanong pa ako kahit na alam ko naman na ang dahilan. He's suicidal. Dahil na rin siguro sa naging buhay niya. Malamang... malamang hindi lang ito ang unang beses.

Napabuga siya ng hangin. "No one knows. You should ask him."

Tumango ako muli... Wala na akong ibang sinabi pa. Ngunit bago ako umakyat ay saglit kong nilingon si tita Cora na seryosong inaayos ang mga gamit niya.

"'Ta, ilang beses niya na po itong ginawa?"

Natahimik siya.

Napaiwas siya muli ng tingin sa akin.

"16 times. Luckily, lagi ko siyang naaabutan. Pero 'pag hindi na siya sinwerte, he'll die."

Shit.

Labing-anim?!

Para akong nanghina dahil sa nadinig ko.

I thought trip niya lang na palagi siyang tinatamad mabuhay. But no. Talagang tinatamad na siya... Tinatamad na siyang mapatuloy!

Mabilis akong umakyat sa kuwarto ko. Marahang binuksan ko ang pinto at nakita kong nakahiga siya sa kama ko at nakapikit. Nakasandal ang braso niya sa kaniyang noo.

Tinitigan ko siya mula sa pwesto ko.

Naka-T-shirt na lamang siya ngayon. Kumpara noon na palaging balot-balot na ang mga sinusuot niyang damit.

Kita ko ang mga hilom na sugat sa balat niya. Paniguradong dati niya pa sinasaktan ang sarili niya. At ito rin ang dahilan kung bakit siya naka-jacket palagi.

"Adolf?" tawag ko sa kaniya. Pumasok ako at marahang lumapit ako sa kaniya. Umupo ako sa gilid ng kama.

Napadilat siya at napatingin sa akin. "What?"

"Bakit..." Napalunok ako. "Bakit mo ginawa iyon?"

Napaiwas siya ng tingin sa akin. Dumapo ang kaniyang paningin sa kisame. "She left me behind. Sumama na siya sa boyfriend niya," mahinang sagot niya.

Napatitig ako sa kaniya. Akala ko kasi hindi niya sasabihin ang dahilan niya.

He's talking about Jean. Damn, Jean again.

"And you're avoiding me." Nakagat ko ang labi ko nang dumapo ang mga mata niya sa akin, malungkot ang mga mata niya. "Maybe you're disguste—"

"I like you," ngiwing putol ko sa sasabihin niya. "tapos may gusto ka kay Jean. Ano sa tingin mo ang gagawin ko? Siyempre iiwasan kita."

Bahagya siyang napabangon sa kama "Now you're the one who's disgusting," maang na sambit niya.

"Alam ko!" asar na singhal ko sa kaniya, "Kaya nga umiiwas ako kasi gusto kong mag-move on."

"Wow, move on? Bakit? Naging tayo ba?" sarkasmong tanong niya. Inabot niya ako at sinabunutan. Napasubsob ang mukha ko sa kama.

"Aray! Ano ba?!"

Inis na inayos ko ang buhok ko. Muli akong umupo sa kama habang sinusuklay ko ang buhok kong nagulo.

Kainis ang lalaking ito! Lagi nalang nananabunot!

[ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ]  Cold NightsWhere stories live. Discover now