Six

527 43 12
                                    

JESSICA

"Bakit mo ginawa 'yun?" tanong ko sa kaniya saktong pagkaupo naming dalawa. "Nanliligaw ka sa babaeng tulad no'n? God, Adolf, maghanap ka naman ng matino!"

Kung nakakamatay lang ang titig, malamang kanina pa siya bumulagta. But heck, sa hitsura niya ngayon, mukhang wala siyang pakialam sa sinasabi ko.

"It's none of your business," aniya saka matamlay na sumubo ng pancit na binili ko sa kaniya.

Tinitigan ko siya ng matagal. He's wearing his uniform. Samantalang ako ay hindi. Long sleeves at black slacks ang uniporme ng mga lalaki. And damn, sobrang bagay sa kaniya ang suot niya. Sa loob ng ilang linggong pananatili ko kina tita Cora, ngayon ko lang siya nakitang nakadamit ng matino.

Napabuga ako ng hangin. "Find someone new."

Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Nagbabato ka ba?" walang ganang tanong niya sa akin.

"Ang guwapo mo."

Bigla niya akong binato ng tissue. Sapol ako sa mukha.

"Isa pang sabi mo niyan, sasaksakin kita ng tinidor," may pambabanta ang tono ng boses niya. Masama rin ang titig niya sa 'kin.

Napangisi ako na parang bale.

"I'm being honest," natatawang sambit ko. "Hindi ko naman kasalanang ang guwapo mo talaga. Kaya kung ako sa 'yo, hindi ako magsasayang ng oras sa mga babaeng cheap."

Napaismid siya. Hindi nalang ako nagsalita at nagpatuloy nalang din ako sa pagkain.

"May klase ako ng 10:30," aniya saka tumingin sa kaniyang wrist watch. "10:22 na, aalis na ako." Tumayo na siya at agad na nilayasan ako. Tinitigan ko lang siyang maglakad palayo.

Ang tangkad talaga ng isang iyon. Guwapo pa. Masungit nga lang, tsk.

Hindi nagtagal ay tumayo na rin ako at pumunta sa sunod na klase ko. At katulad ng inaasahan, wala na namang prof, pero ang mga kaklase ko ay pumasok pa rin.

Ang school namin ay hindi kalakihan, pero kumpleto siya sa lahat ng kailangan ng mga estudyante. Kapansin-pansin din na kaunti lang ang mga nag-aaral sa school na ito kaya siguro madali lang din na makakuha ng scholarship dito.

Siguro ang mga nag-aaral dito ay iyong mga nakatira rin sa 2nd, 3rd, 4th at 5th street. Sino naman ang magti-tiyaga na pumasok sa school na napakalayo?

"Hi." Napatingala ako sa pinanggalingan ng boses, isang babaeng mukhang masungit ang nakatayo sa harapan ko.

May pagkasingkit ang mga mata niya at may kaputian siya. Katulad ko ay hindi rin siya nakauniporme, nakasuot siya ng sweatshirt at beanie. May kulay na green ang buhok niyang maikli.

"A-Ah, hi?"

Umupo siya sa upuan sa tabi ko. Medyo nakaka-intimidate siya dahil mukha siyang manununtok nalang bigla.

"I'm Denise, apat lang tayong babae sa buong klase," and finally, ngumiti siya ng malawak, labasan ang pantay-pantay niyang mga ngipin. Ang cute rin ng mga pangil niyang maliit. Hala, ang ganda niya.

"Jessica," pakilala ko saka nakipagkamay sa kaniya. "Taga-fifth ako, bagong lipat lang ako dito sa lugar niyo."

"Ah, welcome sa lugar na 'ting parang ghost town, taga-4th ako. Nakita kitang kasama si boi Adolf, kaibigan mo siya?" tanong niya saka prenteng sumandal sa kaniyang inuupuan.

Tumango ako. "Bestfriend ko siya."

"Cool," aniya. "Balita ko nililigawan daw niya si Jean--- well, Jean is a bitch, paniguradong peperahan lang siya ng babaeng iyon." Napabuga ng hangin si Denise. "I feel bad for him, gusto ko sana kausapin si Adolf noon pero hindi naman siya namamansin."

[ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ]  Cold NightsWhere stories live. Discover now