Twenty

411 39 14
                                    

KASALUKUYAN

JESSICA

"So, you left him?" nagmamalditang tanong ni Detta. Nakataas ang kilay niya sa akin at halos tunawin na ako ng asul niyang mga mata.

Sa lahat ng estudyante ko, siya ang natatangi. Nag-aaral siya sa public school, yet napakayaman niya. Kitang-kita mo sa attitude, pananalita at sa kutis niya.

"Well, maybe?" natatawang sambit ko. "Bukas niyo malalaman kung talagang umalis ako."

"Ma'am naman!" atungal ni Roman. "Ituloy mo na kasi! Isang linggo na pero hindi mo pa rin tinutuloy-tuloy ang kwento mo kay Adolf!"

Naiiling na natawa na lamang ako.

"Binibigyan ko kayo ng isa't-kalahating oras para tapusin ang pinapagawa ko—except you, Detta, dahil hindi ka kasama sa klase ko."

Tinatamad siyang sumandal sa kaniyang inuupuan.

"Ma'am, ayoko ng Java. Gusto ko 'yung kwento mo," angal ni Adrian.

"Do it, now. Ang unang limang makatapos, hindi na magte-take ng exam sa finals."

Dinaig pa nila ang hinahabol ng kung ano dahil mabilis silang tumipa sa keyboard. Muli akong umupo at humarap sa laptop ko. Gusto ko sanang tanggalin ang salamin ko, but heck, sobrang labo na ng mga mata ko.

Napabuga ako ng hangin saka nagsearch na lamang ng mga inspirations for programming. Side-line lang kasi ang pagtuturo ko habang hindi pa ako tinatanggap sa Japan as a Web Developer. Madali lang akong natatanggap sa mga trabaho, dahil nag-graduate ako bilang isang Summa Cum laude. Sa loob ng ilang taon, marami akong napasukang malalaking kompanya.

"Miss Jessica? Can you please teach me about those codes-codes bullshit?"

Kamuntik na akong mapatalon sa gulat nang sumulpot sa gilid ko si Detta. Kunot na kunot ang noo niya habang nakatitig siya sa screen ng laptop ko. Nang magtagpo ang mga mata namin ay ngumiti siya,

"Just kidding. Mukhang mahirap siya. Ayokong matutunan 'yang codes na 'yan. "

Humugot siya ng isang upuan at tumabi sa akin.

Feeling close talaga ang batang 'to. Kahit na medyo bitchy ang ugali niya, hindi ko naman maitatangging may pagka-mabait naman siya. Ang problema nga lang, inaaway niya ang kung sinong mapagtitripan niya.

Saka kaya lang naman siya nandito sa klase ko, kasi trip niya. No one can say no to her, dahil ama niya lang naman ang nagbibigay ng malalaking pera sa school na ito.

"You know what? I like you, miss Jessica," aniya saka biglang yumakap sa braso ko. "I like you more than my mom, 'cause you know, she's strict."

"Maganda ka kasi," natatawang sagot ko.

"So, what happend to Adolf?"

Natigilan ako at napalingon sa kaniya.

Nakasulat sa maganda niyang mga mata ang kuryosidad.

"Kahit sinasabi mong fiction lang 'yang kwento mo, hindi ako naniniwala. Duh, psychology student ako, remember?"

Naiiling na natawa na lamang ako.

Hindi ako magaling magsinungaling kaya naman halatang-halata ako. Iyon ang dahilan kung bakit nakikinig ang mga estudyante ko sa mga ikinukwento ko. Iyon ay dahil alam nilang totoo lahat ang sinasabi ko.

"Sasabihin ko mamaya."

Tumango siya at tumayo. Bumalik siya sa upuan niya at talagang nakatulala lang siya ro'n hanggang sa matapos ang one and a half hour.

"Gusto niyong malaman ang karugtong, hindi ba?" tanong ko sa lahat.

Tumayo ako at sumandal sa gilid ng desk ko.

Lahat sila ay napalingon sa akin, naghihintay sa kuwento ko.

**********

"Aalis ka na ba talaga, Jessica?" malungkot na tanong ni tita Cora habang yakap-yakap ako. Tumango lamang ako at yumakap pabalik sa kaniya.

"Si Adolf? Nagpaalam ka na ba?"

"Hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Hindi niya pa alam," mahinang sagot ko saka humiwalay sa kaniya. Nang makita ko siya ay umiiyak na siya. Kalat na ang luha sa kaniyang mukha.

"Ano ba, 'ta, hindi pa ako mamamatay," biro ko kahit na naiiyak na rin ako. Nang lingunin ko si papa ay nakangiti siya sa amin ni tita.

"Sige po, tita... Salamat po talaga sa lahat," puno ng sinseridad na sambit ko saka humiwalay na sa kaniya. Hindi na ako lumingon pa dahil baka hindi na ako makaalis. Kinuha ko ang maleta ko at isinakay sa likuran ng sasakyan ni papa. Agad na rin akong pumasok sa loob at umupo sa passenger seat.

Hindi rin nagtagal ay sumakay si papa. Nakangiti siyang humarap sa akin.

"Handa ka na bang umuwi, anak?"

Tumango ako, naluluha, "Namiss ko po 'yung bahay na 'tin. Pinalayas din kasi ako ni tiya Myrna. Si tita Cora lang ang kumupkop sa akin."

Galit na napailing si papa, "Demonyita talaga ang kapatid kong 'yon," aniya saka binuhay ang makina ng sasakyan.

Hindi na ako kumibo pa. Tinitigan ko ang labas ng bintana. Pinanood ko ang napakaganda at mahabang kalsada. Pinanood ko ang pagdaan namin sa La Clarita Cemetery. Ang papalubog na araw...

Hanggang sa makalabas na kami ng Fifth at makarating na ng tuluyan sa kalsada. Puno ng mga sasakyan sa paligid at kitang-kita ang ininubuga nitong maitim na usok.

Napaiwas ako ng tingin sa kalsada.

*******

"So, you really left him!" asar na singhal ni Detta saka napairap sa akin. "He got too many issues in life, bakit hindi mo siya kinausap muna?"

"Yeah, same thoughts," sambit ng isa kong estudyante.

Mapait ko silang nginitian. "Bakit pa ipagpipilitan ang kagustuhang hindi naman dapat para sa atin?"

Natahimik ang lahat dahil sa sinabi ko. Alam ko, sa panahon ngayon, marami na ang mga taong pinipilit ang sarili nila sa mga taong hindi naman sila ang gustong makasama sa panghabang-buhay.

"Then... yes, I left. Nag-aral ako rito sa Maynila. I graduated with flying colours. Naging successful ako. Matagal siyang nawala sa isipan ko, hanggang sa hindi ko namalayang nakalimutan ko na talaga siya. And then one day..."

Napabuga ako ng hangin at malungkot silang nginitian.

"...tita Cora sent me a text message saying: 'Jessica. Pinatay niya na naman ang sarili niya.' Pero hindi pa rin ako bumalik. Natatakot ako sa kung ano ang maaabutan ko."

"He probably killed his ass because he can't take it anymore," ani Detta. "The pain is too much."

Nagtagpo ang mga mata namin. "He's dead, isn't he?" tanong niya.

Hindi ako sumagot.

Hinarap ko sila.

"Class dismissed. Bukas niyo na ituloy ang activity niyo."

*******

[ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ]  Cold NightsWhere stories live. Discover now