Twenty-One

463 40 15
                                    

JESSICA

"Sa Japan ka na talaga?" ngumunguyang tanong ni papa.

Tumango ako. "Opo. Bibisita naman ako once a month. Saka malaki ang sahod ko ro'n, mabibilhan kita ng bagong sasakyan. Iyong sasakyan mo kasi, pinaglumaan na ng panahon."

As in, talagang pinaglumaan. Baka nga binasura na ng panahon, eh. Kusang bumubukas na rin ang pinto no'n.

"Bakit hindi mo bisitahin si Adolf sa—"

"No need. Bakit pa?"

Hindi na siya sumagot. Kumuha siya muli ng Kimchi at isahang isinubo ito. Tahimik kaming kumain. At oo, naka-chopsticks ako. Sinasanay ko lang ang sarili ko kahit kanina pa ako tinatawanan ni papa.

"Bibisitahin ko mamaya si mama, 'pa. Sasama ka?"

Natigilan siya sa pagnguya.

"Kamuntik na akong barilin ng nanay mong buang. Ba't ko naman siya bibisitahin?" aniya, "Pero sige, sama ako."

Natawa nalang ako at ipinagpatuloy ang pag kain.

*******

Nanginginig ang kamay ko sa kaba. Nakababa na ng Japan ang eroplano at hindi ko alam kung ano na bang gagawin ko—yes, alam ko kung ano naman talaga ang dapat kong gawin, pero talagang kinakabahan ako ng sobra. Lalo na't... Argh.

Napahinga ako ng maluwag nang makita ko ang isang card board na may nakasulat na 'JESSICA TOLENTINO.' Hawak ito ng isang babaeng Hapon na hindi ko kilala.

Nilapitan ko siya, at awkward na nginitian, "H-Hi? I'm Jessica—"

Ngumiti siya sa akin ng malawak, "Jessica Tolentino?"

Tumango ako. In fairness, malinaw ang pagkakabigkas niya sa pangalan ko.

"Welcome to Japan!" masayang bati niya saka tinulungan ako sa pagbubuhat ng bagahe ko.

*******

"I'll fetch you tomorrow at exactly 9:00am, miss Jessica. I'll teach you all the things you need to learn. Is that okay to you?"

Tipid ko siyang nginitian. "Yes. Thank you."

"Here's your key," aniya sabay abot ng susi sa akin.

Agad na tinanggap ko ang susi. Hindi rin naman nagtagal nang umalis na siya. Nang mawala siya sa paningin ko ay halos manghina ako.

Yeah, right. Nasa isang lugar ako kung saan hindi ako pamilyar. At ang malala pa, hindi sa Pilipinas! The hell. Parang gusto ko nang bumalik kaagad sa Pilipinas. Gusto ko na yatang umuwi agad. Ayoko rito!

Binitbit ko ang bagahe ko, hanggang sa makarating ako sa pakay ko. Isinuksuk ko ang susi sa doorknob. At nang mabuksan ko ito ay napabuga ako ng hangin.

Maganda. Malinis at iyong mga napapanood sa mga Animé ay ganitong-ganito ang hitsur—

"Waah!" Napasigaw ako nang may sumulpot na tao sa harapan ko.

"Donata desu ka?" masungit na sambit nito, at tangina, hindi ko siya maintin... dihan...

Parehas na nanlaki ang mga mata namin. Nabitiwan ko ang bitbit kong bag habang nakatitig lamang ako sa kaniya. Ganoon din siya sa akin.

"Wow... what a coincidence," aniya saka tumikhim. Nanatili akong nakanganga sa kaniya dahil hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko talaga si Adolf. Wala namang nagbago sa kaniya kundi ang magiging mas matured niya. He's looking... good.

Mas lumitaw na ang kaguwapuhan niya ngayon, ahm, mas tumangkad din siya. Kung ganito lang ang hitsura niya noong nasa Fifth pa kami, malamang ginahasa ko na siya. Walang halong biro.

[ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ]  Cold NightsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang