Two

669 44 8
                                    

JESSICA

Scholar.

Impit akong napatili ng mahina nang makalabas ako ng school kung saan ako papasok.

Ang saya-saya ko! Nakakuha ako ng full scholarship at wala na akong babayaran pang kahit ano.

Information Technology ang kursong kinuha ko. First year college. May bridging ako dahil hindi naman konektado ang strand na kinuha ko noon sa kinuha kong kurso ngayon. ABM to IT ba naman ang kinalabasan ko.

"Salamat po, kuya guard," nakangiting sambit ko matapos kong kunin ang bike na iniwan ko sa tabi ng guard house.

Nginitian lamang ako ng guard. Nang makalabas ako ng school ay agad din akong dumiretso pauwi. Ala-sinco na rin kasi ng hapon.

Mula sa school at sa bahay ni tita, mga 1 hour kung lalakarin lang. 15-20 minutes naman kung naka-bisikleta ako. At tama nga si tita Cora, dapat talagang may service ako dahil mahirap humanap ng masasakyan sa lugar na 'to.

Nang makauwi ako ay naabutan kong wala si tita sa bahay. Nag-iwan lang siya ng sulat na babalik din siya mamayang gabi.

Dumiretso kaagad ako sa kuwarto ko at pabagsak na humiga sa malambot na kama. Napangiti nalang muli ako nang maalala ko ang pagiging scholar ko. Walang kahirap-hirap na nakapasok ako sa listahan at may allowance pa ako.

Nagawi ang paningin ko sa pader. Muli na namang pumasok sa isipan ko ang nangyari noong nakaraang gabi.

Napa-kagat ako sa aking ibabang labi.

Kamusta kaya siya?

Humarap ako sa pader at tumitig dito. Hindi ko alam kung nariyan ba siya sa pagitan ng harang na 'to. Hindi ko alam kung nananaginip lang ba ako noong isang gabi o sadyang nadinig ko siyang kumakanta? I wonder if I can talk to him—and I don't know why I'd do that.

Why the hell on Earth would I do that?

Natigilan ako sa pag-iisip nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito mula sa aking bulsa, at nang makita kong may tumatawag, agad kong sinagot ito kahit na hindi ko alam kung kaninong numero ang naka-rehistro sa screen.

Ngunit nang sagutin ko ang tawag, napag-alaman kong wrong number lang pala.

Muli, napatulala na naman ako sa harapan ko. Hindi ako nabo-boring kahit na nakahiga lang ako at naka-titig sa kawalan kaya ayos lang.

I'm excited—at hindi ko alam kung bakit. Maybe dahil nakakuha ako ng full scholarship sa isang lakaran lang? Hindi ko alam kung maganda ba na maging masaya ako--pakiramdam ko kasi, babawiin lang sa akin agad ang kasiyahan na 'yun.

Unti-unting bumibigat ang tulakap ng mga mata ko. Hanggang sa dahan-dahang dumidilim na ang paningin ko.

Then suddenly, I heard a deep and relaxing voice somewhere. Pakiramdam ko ay nasa tabi ko lang ang boses. Para akong hinihele nito at mas lalong gumagaan ang pakiramdam ko. Kusang gumalaw ang mga kamay ko para balutan ng kumot ang sarili ko kahit na antok na antok na talaga ako.

"...Waiting to get there. Waiting for you. I'm done fighting all night ..."

Bago pa ako makatulog ng tuluyan ay bigla akong nanaginip.

Hindi ko alam kung posible bang mangyari iyon, pero sa panaginip ko, si Adolf, nakatalikod sa akin habang lumalakad siya patungo sa dilim. I can't move my feet. Gusto ko siyang tawagin pero hindi ko magawa. Walang lumalabas na tinig sa mga labi ko.

Dahan-dahan siyang nilalamon ng dilim. Mabigat sa dibdib ko ang nakikita kong pag-alis niya.

Gusto ko siyang hilahin pabalik. Kung hindi ko man siya mahihila pabalik—I will follow him there.

[ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ]  Cold NightsWhere stories live. Discover now